NAPATIGIL si Catherine sa akmang pagsakay sa backseat ng mapatigil siya ng marinig niya ang boses ni Tita Grace. "Catherine, sa passenger seat ka na lang maupo," wika ni Tita Grace sa kanya. "Po?" wika niya ng silipin niya ito mula sa loob ng kotse, nauna kasi itong sumakay sa kanya. "Sa tabi ka na lang ng asawa mo maupo para hindi naman siya magmukhang driver natin," wika ni Tita Grace sa kanya. Hindi naman napigilan ni Catherine na mapatingin sa gawi ni Travis na nakaupo na sa driver seat. Pinagdikit niya ang ibabang labi nang makita ang kunot sa noo nito. Alam niyang ayaw siya nitong katabi pero hindi naman siya makatanggi sa gusto ni Tita Grace. Kaya kahit na ayaw ni Travis ay tatabi pa din siya ng upo dito. Maingat niyang isinara ang pinto sa gawi ng backseat. At saka siya luma

