NATIGILAN si Catherine ng paglabas niya ng banyo nang makita niya ang pagpasok din ni Travis sa loob ng kwarto nito. Nag-freeze nga din ang kamay niyang may hawak na tuwalya habang pinupunasan ang basang buhok. Pansin nga niya na natigilan din si Travis. At napansin nga din niya ang pagbaba ng tingin nito sa katawan niya. Sinundan naman ni Catherine ang tinitingnan ni Travis at ganoon na lang ang pag-awang ng kanyang labi nang makita niya na umangat ang hemline ng suot niyang T-shirt dahilan para ma-exposed ang maputing legs. Nakataas kasi ang kamay dahil pinupunasan niya ang basang buhok na siyang dahilan kung bakit umangat ang hemline ng suot. Mabilis naman niyang ibinaba ang kamay na may hawak na tuwalya. Pagkatapos niyon ay pasimple niyang iniwas ang tingin kay Travis dahil hindi

