"MOMMY?" Napatigil si Catherine sa pagbihibis sa anak nang tawagin nito ang atensiyon niya. "Hmm?" tanong naman niya dito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. "Pasok na po ako sa school?" tanong nito sa kanya. "Hindi pa, Calvin. I-enroll pa kita ngayon," sagot nito sa kanya. Ngayong araw kasi niya i-enroll ang anak para makahabol ito sa pasukan nextweek. Tumawag nga din siya sa day care center na napili niya, este napili nilang dalawa ni Travis. At sinabing kailangan niyang ma-enroll agad ang anak para makahabol ito sa pasukan. Tinanong nga din niya ang mga kailangan na requirements ng anak para sa pag-e-enroll nito. At nang malaman ang lahat ng iyon ay agad niyang inayos ang mga requirements nito para pagdating nila do'n ay wala nang aberya. "Mommy?" "Yes?" "Sasama ba

