PARANG binibiyak ang ulo ni Catherine nang magising siya kinabukasan. Napaungol na sinapo nga din niya ang ulo at marahang mimasahe iyon. Nanatili siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Napasulyap siya sa kanyang tabi kung tulog pa din si Travis pero nakita niyang wala na ito sa tabi niya. Mukhang nauna na itong bumangon. For the past few days, she and Travis had been waking up together, always at the same time. Kung mauuna itong magigising ay hinihintay siya nito na magising din. And vice versa. Hindi na nga din siya nakakapagluto ng breakfast dahil hinihintay din niyang kusang magising si Travis, ayaw din kasi niyang gisingin ito. Kaya wala na siyang time na ipagluto ito at ipaghanda ito ng babaunin nito sa pagpasok. Kaya minsan ay dina

