NAALIMPUNGATAN si Catherine nang maramdaman niya ang mainit na bagay na dumadampi sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ang mukha ni Travis, and his face is few inches away. At ang dumadampi sa kanyang labi ay ang mainit nitong labi. At sa gulat nga na nararamdaman ay bigla siyang napatayo dahilan para mauntog ang ulo niya sa mukha nito. Napadaing si Travis. Hindi naman niya napigilan ang manlaki ng mga mata dahil do'n. Napansin nga din niya ang pagsapo nito sa baba nitong nasaktan, mukhang doon ito natamaan. "Oh, my god!" wika naman ni Catherine. Pagkatapos niyon ay tumaas ang kamay niya patungo sa babang hawak nito. Napakagat siya ng ibabang labi nang makita ang pamumula niyon. Hindi

