"SA tingin mo ba ay mapupunta sa 'yo si Travis, Catherine?" Napatingin si Catherine kay Lianne nang marinig niya ang sinabi nito sa kanya nang lapitan siya nito. At nang makita nito ang pagsulyap niya ay sinulyapan din siya nito. "No f*****g way, Catherine," sagot nito sa kanya. "Dahil sa bandang huli ay kami pa din ang pipiliin ni Travis. Hindi kayo ng anak mo. Kaya huwag ka munang magdiwang." Hindi na nga din hinintay ni Lianne na makapagbigay siya ng komento dito dahil umalis na ito sa tabi niya at humakbang na palapit kay Tyler. At dahil sinusundan niya ng tingin si Lianne ay nakita niya ang pagbulong nito kay Tyler, nakita nga din niya ang pagtango-tango ng bata sa sinasabi ng ina nito. At nang sandaling iyon ay hindi napigilan ni Catherine ang pagsasalubong ng mga kilay hab

