"CALVIN?" Nag-angat ng tingin si Catherine kay Travis nang marinig niya ang pagtawag nito sa anak pagkapasok nila sa condo niya nang ihatid sila nito. Nakita naman niya ang paglingon ni Calvin dito. "Po?" wika naman ni Calvin kay Travis. Lumuhod naman si Travis para magpantay ang paningin ng dalawa. "Can you go to your room, Calvin?" wika ni Travis dito. "May pag-uusapan lang kami ng Mommy mo," pagpapatuloy pa na wika nito sa anak niya sa masuyong boses. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Catherine sa narinig na sinabi ni Travis. Hindi nga din niya napigilan ang pagkabog ng dibdib. May ideya na kasi siya kung ano ang pag-uusapan nila. At alam niyang tungkol iyon sa nakaraan at iyong nangyari kanina. Hindi na nga din natuloy ang plano nila ni Calvin na bumili ng mga school suppli

