NAGISING si Catherine kinabusakan na ang gaan-gaan ng pakiramdam. Pagkatapos ng limang taon ay ngayon lang muli siya nagising na magaan ang pakiramdam. At alam ni Catherine kung bakit dahil iyon sa naging pag-uusap nilang dalawa ni Travis kahapon. Nang malaman niya na sila ang pinili nito, nang malaman niya na mahal siya nito noon pa at ang sinabi nitong hinanap sila nito at nang marinig niya ang lahat ng paliwanag nito, iyong bigat ng puso niya na dala-dala niya sa halos limang taon ay parang bola na biglang naglaho. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Sa totoo lang ay iyon lang naman ang pinag-usapan nilang dalawa. Hindi nila napag-usapan ang magiging set-up ng relasyon nila. Pero kung saan man dadalhin ang relasyon nila, bahala na. Mayamaya ay tumingin si Catherine sa tabi niya para

