"ANO iyong kanina?" Napatingin si Catherine kay Anna nang marinig niya ang tanong nito sa kanya. "Ha?" "Iyong gesture ni Travis sa 'yo kanina," wika nito, mukhang tunutukoy ang ginawang pagpunas ni Travis sa luha sa pumatak sa mga mata niya dahil sa sinabi ni Mother superior sa kanya. Kahit siya ay gulat sa ginawa ni Travis, hindi kasi niya iyon inaasahan. Sinusubukan naman niyang basahin kung ano ang nasa isip nito. Pero gaya ng sinabi niya ay wala siyang mabasang kahit anumang emosyon doon. Hindi pa siya nagsasalita nang muli itong magsalita. "Ano iyon? Acting dahil may nakamasid? May nakatingin?" wika pa nito, kulang na lang ay umismid ito. "Pero infairness, Catherine. Ang galing um-acting ni Travis. Parang maalagang asawa," pagpapatuloy pa na wika nito. Akmang bubuka ang bi

