INAKALA ni Catherine ay hindi tatanggapin ni Travis ang pakikipagkamay ni Brad dahil ilang segundo na iyong nakalahad ay hindi pa din nito iyon tinatanggap. Ang mga mata kasi ni Travis ay nanatiling nakutuon sa relong suot ni Brad. Ibababa na sana ni Brad ang kamay nang biglang tumaas ang kamay ni Travis para tanggapin ang pakikipagkamay ng kaibigan. Hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita ang paglabas ng ugat sa kamay ng dalawa habang magkahawak ang kamay ng mga ito. Ilang segundo din nagtagal ang pakikipagkamay ng dalawa bago bumitaw ang mga ito. At hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya pero pakiramdam niya ay may tensiyon na namagitan sa dalawa. "Let's all go inside," mayamaya ay wika ni Tita Grace sa kanya. Sabay-sabay naman silang humakbang papasok

