INALIS ni Travis ang tingin sa harap ng report na nakalapag sa ibabaw ng executive table niya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. At nang kunin ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag ay napakunot siya ng noo nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Catherine. Sa halip na sagutin ni Travis ang tawag nito ay muli niya iyong inilapag at hinayaan lang niya iyon aa pagtunog hanggang sa tumigil din. Makalipas ang ilang segundo ay tumunog naman ang message alert tone no'n. Siguradong si Catherine ang nagpadala ng text message, hindi naman niya iyon binasa. Ibinalik na lang niya ang atensiyon sa report na pinag-aaralan niya. Wala siyang panahon para basahin kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Marami kasi siyang kailangan unahan, marami siyang kailangan tapusi

