"GOOD morning, Ma'am Catherine," bati ni Lily nang makita siya nitong pumasok sa loob ng kusina. "Good morning, Lily," bati din ni Catherine dito. Nginitian nga din ni Lily ang laging kasa-kasama ni Lily sa kusina na babae ng sulyapan niya ito. Kung hindi siya nagkakamali ay Sophie ang pangalan nito. At ito ang babaeng narinig niyang kausap ni Lily noon. Gumanti nga din ito ng ngiti sa kanya. Tuluyan namang pumasok si Catherine sa loob ng kusina, kumuha siya ng baso at nilagyan niya iyon ng tubig para uminom. At nang maubos niya ang laman ng baso niya ay lumapit siya sa fridge para maghanap ng pwede niyang iluluto. Nagugutom kasi siya at gusto niyang kumain ng adobong manok ng sandaling iyon. Iyong walang sabaw at halos mamantika na. Inilabas naman niya sa fridge ang kailangan niya s

