NANG sumakit na ang mga mata ni Catherine sa kakabasa sa kanyang cellphone ay napagpasyahan niyang tumigil na. Tiningnan nga din niya ang oras do'n at nakita niyang alas diyes na pala ng gabi. At simula nang lumabas si Travis sa kwarto ay hindi pa ito bumabalik. Hindi naman niya alam kung nasaan ito at wala siyang balak na hanapin kung nasaan ito. Tumayo na si Catherine mula sa pagkakaupo niya sa sofa at saka siya humakbang patungo sa kama nito. Napatitig nga si Catherine sa kama ni Travis. King size bed iyon. Medyo nakahinga nga siya ng maluwag nang makitang malaki iyon at sa tingin niya ay malaki na iyon para sa kanilang dalawa ni Travis. Ang ibig sabihin ay posibleng hindi sila magdikit na dalawa. Medyo nagwo-worry nga siya na katabi ito dahil gaya ng sinabi niya kay Tita Grace ay

