NANG makabawi si Catherine mula sa pagkabigla ay mabilis siyang pumasok muli sa loob ng banyo. Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso ng sandaling iyon. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi niya. At medyo nag-aalanganin siya baka isipin nito na sinadya niya na lumabas ng banyo na ganoon para akitin ito. Hindi naman niya intensiyon na lumabas ng banyo na tanging tuwalya lang ang tumatakip sa kahubadan niya. Nawala lang kasi sa isip niya na magdala ng damit ng maisipan niyang maligo. Humugot si Catherine ng malalim na buntong-hininga bago niya sinilip si Travis sa pinto. Naroon pa din si Travis at parang naitulos pa din ito mula sa kinatatayuan nito. "Travis." tawag niya sa pangal

