AKALA ni Catherine ay aalis na si Lianne pagkatapos nitong mapahiya ng sabihin ni Travis dito na hindi si Lianne ang nagluluto ng mga dinadala nitong pagkain noon kung hindi siya ang nagluluto. Hindi naman ito talaga pinahiya ni Travis, sinabi lang nito ang totoo, sinabi nito ang alam nito na hindi ito ang mga nagluluto ng mga dinadala nito. At sa totoo lang, kapag siya ang nasa kalagayan Lianne at sabihin iyon sa kanya ni Travis ay baka hilingin na niyang lamunin siya ng lupa dahil sa hiyang nararamdaman. Ipinagmalaki pa nito sa harap mismo ni Travis na gustong-gusto ng huli ang luto ni Lianne. At tapos babarahin ito ni Travis na hindi ang luto nito ang gusto nito at ang luto niya. It was a double blow for Lianne. Nang sabihin nga iyon ni Travis dito ay hindi nakaimik si Lianne, nawal

