"TITO Daddy!" Ganoon na lang ang bilis ng t***k ng puso ni Catherine nang pagbukas niya ng pinto ng condo niya ay si Travis agad ang nakita nila. Awtomatiko namang sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita nito ang ginawang pagtakbo ni Calvin palapit dito. Pagkalapit nga ng anak kay Travis ay agad itong yumakap sa binti ni Travis bago ito nag-angat ng tingin. "Good morning po, Tito Daddy!" bati ni Calvin kay Travis. Hinawakan naman ni Travis si Calvin sa magbilang braso at saka nito maingat na binuhat si Calvin. Napansin naman niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng anak sa ginawang pagbuhat ni Travis dito, mukhang masaya ito sa ginawang pagbuhat dito ni Travis. "Good morning, Calvin," bati din ni Travis dito. Pagkatapos niyon ay nag-angat ito ng tingin patungo sa kany. "Good mornin

