NAG-ANGAT ng tingin si Catherine nang maramdaman niya ang paglapit ni Travis sa kanya. "Bakit?" tanong niya kay Travis nang magtama ang mga mata nila. Mayamaya ay inilapag nito ang laptop sa ibabaw ng table niya. Napatingin naman siya doon at hindi niya napigilan na mapatitig nang makita niya ang ilang day care center na nakasulat sa isang microsoft word. Saglit siyang napatiig doon hanggang sa nag-angat siyang muli ng tingin kay Travis. "B-bakit iyan?" tanong niya dito. "Nabanggit ni Calvin na mag-aaral na siya ng day care," wika nito sa kanya. Pinagdikit naman niya ang ibabang labi sa narinig na sinabi nito, hindi siya makapaniwala na maalala pa iyon ni Travis. "So, naghanap ako ng magandang day care center na pwede niyang pag-aralan," dagdag pa na wika nito. Pagkatapos niyon ay

