NAPATIGIL sila Catherine mula sa paglalakad nang makita nito kung sino ang nakaupo sa sahig sa labas ng condo niya. Humigpit nga din ang pagkakahawak niya sa kamay ng anak. Ang lalaki kasing nakaupo sa sahig ay walang iba kundi si Travis. Nakaupo ito sa sahig habang nakasandal ito sa pader. And at that moment, it was as if she wasn’t looking at Travis. As if he wasn’t the CEO of a big company. Because the almighty Travis seemed vulnerable right at that moment. At saka kanina pa ba ito doon? Umuwi pa ba ito mula kaninang umaga? Kasi kung ano ang suot nito kanina ay suot pa din nito ng sandaling iyon. It looked like he didn’t go home and waited for them there until they returned. Naghintay ito sa kanila ng ganoong katagal? Hindi naman maiwasan ni Catherine na itanong iyon sa isip. Halo

