NANG maramdaman ni Travis ang pagbuka ng bibig ay mas lalong pinailalim nito ang paghalik sa kanya. Naramdaman nga din niya ang isang kamay nitong humawak sa likod ng batok niya at ang mas paghapit nito sa kanya para mas lalo nitong idiin ang labi sa labi niya. Hindi nga din napigilan ni Catherine ang pagtaas ng dalawang kamay patungo sa balikat nito. At nang maramdaman niya ang pagkagat nito sa ibabang labi niya ay humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat nito. May impit ding daing na kumawala sa labi niya ng sandaling iyon. At kinuha iyon na pagkakataon ni Travis para ipasok ang dila sa loob ng bibig niya. He slipped his tongue inside her mouth and explored every corner of it. A soft moan escaped her lips again when Travis sucked her tongue. Sa pagkakataong iyon ay hindi na din

