NAPATINGIN si Catherine kay Travis nang pagkahinto ng driver nito sa parking lot kung saan matatagpuan ang condo ay nakita niya ang mabilis nitong paglabas ng sasakyan. Nasundan na lang naman niya ito ng tingin nang makita niyang mabilis itong humakbang patungo sa gawi nila. At nakita niya ang pagbukas nito ng pinto para sa kanila. Yumuko naman si Travis para silipin sila sa loob. At kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ay ang pamumula ng magkabilang pisngi nang magtama ang mga mata nila. Pansin niya ang kislap sa mga mata nito habang nakatuon iyon sa kanya. Hindi mapigilan ni Catherine ang pamulahan ng magkabilang pisngi nang maalala na naman ang narinig niyang sinabi nito kay Calvin kanina. At sinabi nito sa anak na mahal na mahal siya nito. Honestly, Catherine couldn’t help but wo

