"TITO Travis." Inalis ni Catherine ang tingin sa harap ng computer nang marinig niya ang boses na iyon ni Calvin na tumawag sa pangalan ni Travis. Nakita nga niya ang pagbaling ni Travis sa anak na nasa tabi nito ng sandaling iyon. "Yes, Calvin?" malambing ang boses na wika nito sa bata. Nakita niya ang pagtaas ni Calvin sa hawak nitong coloring book. "Tito Travis, oh. Ganda po ba?" tanong nito kay Travis, bumaba naman ang tingin nito sa ipinapakita ng anak. "Ang ganda. Ang galing mong mag-kulay," komento nito. "Talaga po, Tito Travis? Galing po ako?" "Yes," sagot nito na nakangiti. "Gagaling ko po kasi sabi Mommy, aral na po ako." Calvin was right; she was planning to enroll him in day care. Plano na niya iyon noong nasa La Union sila, sa katunayan ay may napili na siya ku

