CATHERINE tried to contact her cousin, Lianne. But just like before, her number was out of reach. Mukhang nakapatay ang cellphone nito para hindi ito ma-contact. Catherine wants to talk to Lianne. Simula noong malaman nitong buntis siya at ang fiancee nito ang ama ay gusto na niya itong makausap, gusto niyang humingi ng sorry dito. To be honest, she owed Lianne an apology for what happened. Ang laki ng kasalanan niya at alam niyang hindi sapat ang isang sorry para mapagbayaran niya ang kasalanan na hindi naman niya sinasadya na gawin. At hindi nga lang din ang paghingi ng sorry kay Lianne ang dahilan niya kung bakit gusto niya itong makausap. Gusto niya itong makausap para sabihin na bumalik na ito dahil papalayaan na niya si Travis at ibabalik na niya ito sa totoong mahal nito. At sas

