AYAW muna ni Catherine ang umuwi kaya pagkatapos niyang umalis sa kompanya ni Tito Lucas ay nagpunta siya sa parke malapit lang din sa building kung saan matatagpuan ang opisina ng Tito Lucas niya. She wanted to clear her mind before heading back to the mansion. Dahil mas lalong bibigat ang pakiramdam ni Catherine kung uuwi siya sa mansion ni Travis na mabigat din ang pakiramdam. Nanghanap naman si Catherine ng pwede niyang magpa-park-an ng kotse. At nang makahanap ay bumaba siya do'n. At saka siya naglakad papasok sa loob ng parke. Kahit na tanghali ay hindi naman masyado mainit sa lugar dahil may mga puno at halaman na nakatanim doon. Hindi nga lang din siya ang nasa parke ng sandaling iyon, marami ding tao na naroon. Magpapamilya, mga mag-jowa. Nakita nga niya ang ilan na nagpi-pi

