MABILIS na iniwas ni Catherine ang tingin kay Travis para itago ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa narinig nitong sinabi ni Calvin. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mula sa gilid nang kanyang mga mata ay nakita niya ang paghakbang ni Travis palapit sa gawi nila. Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso nang tuluyang nakalapit si Travis, lalo na noong maamoy niya ang mamahaling pabango nito na nanunuot sa kanyang ilong. Humigpit naman ang pagkakayakap niya sa anak. Nanatili nga din ang titig niya kay Calvin. At kahit nasa tabi niya si Travis ay hindi siya nag-angat ng tingin dito. "Tito Travis, kagat po si Mommy ng lamok sa leeg," sumbong ni Calvin sa lalaki. "Really?" Pinagdikit niya ang ibabang labi nang marinig niya ang boses ni

