HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Catherine bago niya napagpasyahan na lumabas ng kwarto, bitbit ang wallet ni Travis. At hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sa normal ang t***k ng puso niya sa nakita sa wallet ni Travis. Hanggang ngayon ay hindi pa din kasi siya makapaniwala sa nakita niya. Why did Travis keep their picture in his wallet? Hindi ba ilalagay mo lang ang picture do'n kung mahal mo ang isang tao? Mahal ba talaga siya ni Travis? Mahal ba talaga sila nito? Nagdududa ka pa ba, Catherine? wika ng bahagi ng kanyang isipan. Hindi ba ilang beses nang sinabi sa 'yo ni Travis na mahal ka niya, hindi na lang ngayon niya pinaramdam kundi ilang beses na din niyang sinabi sa 'yo. At sa naisip ay bigla na namang bumilis ang t***k ng puso niya. She took a deep breath

