"CATHERINE, wake up." Dahan-dahan nagmulat ng mga mata si Catherine nang marinig niya ang baritonong boses na iyon ni Travis. At sa pagmulat ng mga mata ay ang gwapong mukha nito ang unang nakita niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakatunghay ito mga mata nito sa kanya. "Bakit?" tanong niya dito sa medyo groggy na boses, kinusot-kusot nga din niya ang mga mata. "Gising na. Check-up mo ngayong araw, hindi ba?" wika nito sa kanya. "Anong oras na ba?" tanong naman niya, hindi na nga din niya hinintay na sumagot ito dahil tiningnan niya ang alarmclock na nakapatong sa ibabaw ng bediside table. "Travis, maaga pa," wika niya nang makita ang oras. "Alas siyete pa lang. Alas nueve iyong check-up ko," pagbibigay alam niya kay Travis. "Oh," sambit naman nito. “I thought your che

