"THANK you, Lily," pasasalamat ni Catherine kay Lily nang ibalik niya ang cellphone na hiniram niya para tawagan si Travis para i-imporma ito na naroon ang Mama Grace nito sa mansion at ang gustong nitong mangyari. Gulat na gulat si Catherine nang makita niya si Tita Grace na pumasok sa loob ng mansion ng anak nito. Pero ang mas nakapag-pagulat sa kanya ay ang makita niya ang isang maletang dala-dala ng driver nito. At nang tanungin ni Catherine kung bakit may dalang maleta si Mama Grace ay ganoon na lang din ang pagkagulat niya ng sagutin siya nito na doon muna daw ito tutuloy sa mansion. Sinabi nitong wala daw itong kasama sa mansion dahil may seminar daw si Tito Tyrone at ayaw daw nitong mag-isa sa napalaking mansion ng mga ito. Alam ni Catherine na may ibang dahilan pa si Tita

