NILUWAGAN ni Travis ang suot na necktie nang makapasok siya sa loob ng opisina pagkatapos ng meeting niya with a board of director. Diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa makaupo siya sa swivel chair niya sa harap ng executive table. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin sa secretary niyang si Chris na nakasunod sa kanya ng ilapag nito ang hawak na folder sa ibabaw ng table niya. "Sir, may kailangan pa kayo?" tanong nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. "Make me a coffee," utos niya dito. "Sige, Sir," sagot nito bago ito lumabas ng opisina para sundin ang inuutos niya dito. Pagkaalis ni Chris ay agad niyang isinandal ang likod sa headrest ng kanyang swivel chair at saka niya ipinikit ang mga mata at hinilot ang kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya hindi dahil kat

