"I'LL go upstairs first to freshen up." Nang marinig ni Catherine ang sinabing iyon ni Travis sa mga bisita ay humakbang na siya sa harap nito para bumalik mula sa pagkakaupo sa tabi ng Mama niya. At akmang uupo siya ng mapatigil ng magsalita si Tita Grace. "Catherine, samahan mo ang asawa mo sa itaas," wika ni Tita Grace sa kanya. "P-po?" "Keep your husband company and hand him what he needs while he's changing." wika ni Tita Grace sa kanya. Napakurap-kurap naman si Catherine ng mga mata sa gustong mangyari ni Tita Grace. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito kung bakit gusto nitong pagsilbihan niya si Travis. At ito namang Mama niya, mukhang sang-ayon din sa gustong mangyari ni Tita Grace. "Sige na, Catherine. Hintayin na namin kayo dito." Napatingin naman siya kay

