"LILY." Tawag ni Catherine sa atensiyon ni Lily nang makapasok siya sa loob ng kusina. "Bakit, Ma'am Catherine?" tanong naman nito sa kanya nang lingunin siya nito. "Pwede ba kitang utusan?" tanong niya dito. "Sige, Ma'am," mabilis namang sagot nito sa kanya. "Anong i-uutos mo?" Dinukot niya sa bulsa ang listahan na ipapabili niya dito sa grocery. Kinuha nga din niya ang card niya at inabot iyon dito. "Ano ito, Ma'am Catherine?" tanong nito sa kanya nang i-abot niya ang mga iyon dito. "Pwede bang pakibili ang lahat ng nakasulat sa papel?" wika niya. "Dito kasi magdi-dinner sina Tita Grace at sina Mama," pagpapatuloy na wika niya dito. Tumawag kasi ang Mama niya kaninang umaga at sinabi nito na magdi-dinner ang mga ito sa mansion ni Travis. Nang marinig niya ang sinabing iyon

