NANG makarating si Travis at Tyler sa tapat ng condo ni Lianne ay agad niyang pinindot ang doorbell. Ilang minuto din ang hinintay niya bago bumukas ang pinto ng condo. At hindi napigilan ni Travis ang mapakunot nang noo nang makita niya si Lianne. Lalo na sa suot nito ng sandaling iyon. Mukhang katatapos lang nitong maligo at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa kahubadan nito. "Travis," malambing naman ang boses na wika nito sa pangalan niya. "Pasensiya na. Katatapos ko lang maligo nang marinig ko ang tunog ng doorbell," wika nito sa kanya. “I expect you to dress properly next time, Lianne,” wika naman nito sa kanya. Napansin naman niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. “Why? Are you jealous that other men might see me like this?” tanong nito, mukhang na-misinterpret ni Liann

