Seven: The Virgin Under The Sparkling Fireflies

2737 Words
Chapter 7: The Virgin Under The Sparkling Fireflies PALIPAS na ang hatinggabi pero buhay na buhay pa rin ang diwa ni Javier. Maraming gumugulo sa isip niya. Mga ala-ala ng kahapon na binibigyang buhay ng ngayon, ni Hermosa. Mga ala-ala iyong may hatid na kakaibang damdamin. Mga damdaming akala niya ay nalimot na niya sa paglipas ng maraming taon. Pero nang gabing iyon ay buhay na buhay ang mga damdaming nagtago lamang pala sa pinakailalim ng kanyang sistema. Nakakalulong ang damdaming gumuguhit ng apoy sa bawat himaymay ng kanyang ugat at laman. Natitighaw ang kaluluwa niyang nakakaramdam ng pananabik. Pananabik para sa babaeng kapiling lamang niya kanina sa buong maghapon. May nag-aapoy na sensayon sa kanyang dibdib na hindi malaman kung paano pupuksain. Ayaw niyang magkasala sa isip. At ayaw niyang lumikha ang isip ng mga eksenang magpapalinaw ng larawan ng nakaraan sa kanyang balintataw.  Natatakot siya. Takot na may kalakip na pagkamangha. Pagkamangha na naisip niyang mangarap ng habang buhay sa piling ni Hermosa. Sa isip niya, pinupuno niya ng init at alab ang pagmamahalan nilang dalawa sa bawat araw na lumilipas.  Napahilamos siya sa mukha nang kumalat ang apoy ng pagnanasa sa kanyang ulo. Tila tumulay iyon sa kanyang gulugod at sumentro sa kanyang p*********i. Ramdam niya ang paninikip ng pundilyo na parang may halimaw na gustong kumawala roon, magpa-amo at makaramdam ng luwalhati. Bumangon siya at bumaba sa kusina. Kinuha niya ang pitsel sa loob ng ref at tinungga ang malamig na tubig. Umaasa siyang matitighaw niyon ang bagang nag-uumpisang magningas. Pero walang epekto iyon dahil parang nakakapit na sa kanyang sistema ang nag-aapoy na sensasyong iyon. Lumabas na lamang siya ng kabahayan at nagpahangin. Baka sakaling matangay din ng ihip ng hangin ang kanyang mga isipin at damdamin. Pumuwesto siya sa duyan at pinagmasdan ang mga alitaptap na namumutiktik sa isang puno. Nagawa ng mga insektong agawin ang atensyon niya. Pero panandalian lamang iyon dahil nang marinig niya ang tinig ng babaeng naglalaro sa kanyang imahinasyon ay muli siyang nagambala. "Anong ginagawa mo rito sa labas, Javier?" mabining tanong nito. Humakbang ito palapit sa kanya. Ang buhok nito ay tinatangay ng malamig na hangin. "Nagpapahangin lang. Ikaw, bakit lumabas ka pa?" kaswal na balik niya. "Hindi ako makatulog. Maraming gumugulo sa isip ko." "Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Makakasama sa 'yo 'yan." "Hindi ko lang mapigilan, Javier. Pilit kong binablangko ang isip ko pero nagsusumiksik ang madaming isipin." "Parehas lang tayo, Hermosa. Ang hirap humuli ng antok." "Eh, ano ba kasing iniisip mo?" "Tingnan mo ang mga alitaptap. Ang gaganda ng mga liwanag nila," bigla ay sabi niya, sabay turo sa punong pinamumugaran ng mga insekto. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito at baka may iba siyang masabi na pagsisihan niya. "Ang gaganda nila. Lahat ng bagay dito ay sadyang napakaganda. Kabilang ka na, Javier." Napalingon siya ritong muli. "Ikaw lang ang nagsabing maganda ako. Hindi naman sa pagmamalaki pero karaniwan nang naririnig ko ang mga papuri nila sa akin. Matalino, masipag, matikas, matipuno, macho-gwapito... saka lapitin daw ako ng mga chicks," nilakipan niya ng tawa ang pilyong sagot dito. Pilit niyang pinapahupa ang damdaming nagliliyab pa rin. Malutong na tumawa rin ito. "Pero iyon ang nakikita ko. Iyon ang totoo, Javier." "Sa tingin mo ba, hindi sapat ang p*********i ko?" "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. May katangian ka lang na hindi ko siguro nakita sa kahit sinong lalaki na nakilala ko noon. Iyon ay ang kagandahan hindi lang sa panlabas pero pati na rin d’yan sa puso mo." "Nagpapantasya ka lang, Hermosa. Hindi ako ang taong nasa isip mo. Ibang-iba ako." "Puwes, ipakita mo sa akin kung sino ka talaga, Javier. Iyong totoong ikaw. Walang halong pagpipigil. Walang pagkukunwari. Tapusin mo ang pagpapantasya ko." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa duyan. Tumingala ito sa kanyang mga mata. Seryosong tingin ang ipinukol niya rito.  "Hindi ako sigurado kung tama bang gawin ko iyon. Ayokong abusuhin ang kahinaan mo. Wala akong tiwala sa sarili ko sa pwede kong magawa. At isa pa, walang katiyakan ang lahat pagkatapos ng pwedeng mangyari." "Alam kong hindi tama ang gusto kong mangyari pero hindi ibig sabihin niyon na mali ito. At abuso? Imposibleng mangyari iyon dahil bukal sa loob ko ang lahat. Handa ako sa pwedeng mangyari. Please, Javier huwag mo sana akong tanggalan ng kompiyansa sa sarili." "Umasa kang hindi ko gagawin, Hermosa," sabi niya at kinabig ito palapit sa kanyang katawan. Ipinadama niya rito ang kanina pa nangangalit na emosyon ng kanyang p*********i. Wala nang pagpapatumpik-tumpik na isinakatuparan niya ang hangad ng mga kaluluwa nilang gustong makaramdam ng pisikal na pag-ibig. Marahan niyang hinubo ang mga damit nito at panloob. Hinayaan niyang bumagsak iyon sa damuhan. Nilapatan niya ng nag-aalab na palad ang balat nitong kay lambot at walang kasingkinis kahit pa may mga mumunting peklat roon. Hinaplos niya ang naninindig na mga balahibo nito at pinagsawa ang mga kamay sa bawat parteng nalalapatan.  Pagkaraan pa'y nilasap ng mga labi niya ang balat nitong matamis sa bibig. Sinalo ng kanyang labi ang korono ng dibdib nito. Napaungol ito sa ginawa niya at marahang napasabunot sa kanyang buhok. Mas lalo niyang pinag-igi ang pagsuso sa kaliwang dibdib nito, ang kabilang kamay niya ay pinagpapala ang kabiyak niyon.  Pinagsalit-salitan niya ang mayabong nitong dibdib at matamis na dunggot hanggang sa unti-unting magsaliksik ang dila niya pababa sa tiyan nito. Pababa pa hanggang sa lumuhod siya sa ilalim nito at gumuhit ng paikot na apoy gamit ang basa niyang dila isa ibabaw ng puson nito. Naging mas lalong mapangahas ang kanyang bibig at pinagtuunan ang mabalahibong parte sa pagitan ng mga hita nito. Hinagod ng dila niya ang marikit na trianggulo at nagsumiksik sa makipot na hiwa roon. Napaungol ito ng malakas, tila atungal ng isang babaeng lobo. Pinalalim pa niya ng husto ang pagtikim sa kaselanan nito. Pinalawak niya ang pagitan ng mga hita nito at inilabas-masok sa kweba ng p********e nito ang takam na takam at basang-basang dila niya. Lasap na lasap niya ang malasa nitong hiyas. Ang mga kamay niya ay humahagod sa matambok na pang-upo nito at binibigyang diin ang bawat pagngabngab niya sa b****a nito. Sumasagad ang init sa kanyang kaibuturan. Nawa'y maging sapat din ang init na naibabahagi niya rito para malapatan ang balat nitong binabalot ng halumigmig ng gabi. Nang malasahan niya ang pangangatas ng p********e nito ay huminto siya sa pagpapaligaya rito. Mabilis siyang naghubo at isinapin sa nakalatag na damuhan ang kanilang mga pinaghubaran. Inalalayan niya itong mabuti sa paghiga roon. Matuling binistahan muna ng kanyang mga mata ang kabuuan nito saka kumubabaw at dinama ang maselang balat nito. Kusang ibinuka nito ang mga hita nang makapuwesto siya sa pagitan ng mga iyon. Marahan niyang ipinasok ang sandata sa makitid na lagusan ng kuweba nitong mamasa-masa. Hindi naging madali iyon sa simula sapagkat tila sarado ang lagusan. Ipinilit niyang maigi ang pagbaon ng sandata hanggang sa mapunit ang daanan at maalwang makapaglabas-masok ang matikas niyang p*********i. Napaalulong ito. Ang mga kuko sa isang kamay ay gumuhit ng marka sa kanyang likod at ang isa ay napapisil sa kanyang pang-upo. Sunod-sunod ang naging pagtawag nito sa kanyang pangalan. Ang init ng hininga nito ay humahalik sa kanyang pisngi. Naging patunay iyon na sapat ang naidudulot niyang ligaya rito. Mas lalo pa niyang hinusayan ang pag-indayog. Walang habas. Walang hinto. Walang kapaguran. Kahit sa puntong hinahabol na niya ang paghinga ay hindi siya nagpigil at mas lalong pinag-igi ang pagtusok at pagbunot ng espada. Niyapos niya ito ng mahigpit at hinagkan ito sa mga labi. Nahinto ang halik ng kusa siyang mapahiyaw sa kaluwalhatiang taglay nang katasan ang kanyang p*********i. Dumaan ang kiliti sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao, nanginig ang kanyang laman at bumilis-bumagal ang t***k ng kanyang puso.  Hindi natapos roon sapagkat paglipas ng ilang minuto ay muling kumayod ang kanyang sandata sa loob ng maselang p********e nito. Muli siyang napahiyaw nang magbuga ng mainit-init at malapot na likido ang kanyang ari. Kasabay ng sandaling iyon ang malakas na anas at ungol ni Hermosa at pagbulwak ng unang kaluwalhatian mula sa p********e nito. Nagpadausdos siya sa tabi nito at ikinulong ito sa kanyang mga yakap. Sabay na sabay ang kanilang paghinga sa tila iisang ritmo. Pinunasan niya ang mga butil ng pawis sa noo nito at hinalikan ito roon pababa sa tungki ng ilong nito hanggang sa maabot niya ang malambot nitong labi. "Javier, tingan mo..." anito nang kumalas sa kanyang mga labi. Tumingin siya sa paligid. Ang mga alitaptap ay unti-unting lumalapat sa kanilang mga balat.    "JAVIER! Javier!" nagbabatingaw sa kanyang pandinig ang ginawa niyang pagtawag sa pangalan ng lalaki kanina. Hindi niya lubos akalain na sa ganoong kaluwalhatian magtatapos ang lahat sapagkat puro kirot at hapdi lamang ang naramdaman niya noong una siya nitong pasukin. Pakiramdam niya ay may napunit at nasira sa loob niya. Damang-dama niya iyon kasabay ng kaligayahan. Ah, hindi na siya birhen ngayon. Ngayon lamang iyon tumitimo sa isip niya at napagninilayan ang nangyari. Natutuwa siyang isipin na wala pang ibang lalaki siyang nagpaglalaanan noon dahil sigurado siyang magsisisi kung hindi si Javier ang nakauna sa kanya.  "Hermosa..." tawag nito. Bumangon ito at inalalayan siyang maka-upo. Nagsiliparan palayo ang mga alitaptap na kumapit sa kanilang mga balat. Isa-isa nitong dinampot ang mga damit nila sa damuhan at binihisan siya. Mabilis din itong nagdamit at muli siyang dinampian ng halik sa mga labi. "Salamat sa napakagandang gabi, Hermosa. Tara na sa loob at masyado nang lumalamig." Sumunod naman siya. Hinatid siya nito hanggang sa kanyang kwarto. Siniguro muna nitong nakahiga siya ng maayos bago lumabas ng pinto. "Javier..." pagtawag niya sa lalaki. Nang lumingon ito sa kanya ay wala naman siyang maapuhap na sabihin. "Sige na, magpahinga ka na," bilin nito at gumuhit ng ngiti sa mga labi. "Salamat. Salamat din sa napakagandang gabi..." buong pagmamahal na sambit niya. Pagmamahal. Masyadong makahulugang salita para intindihin. Isang misteryo iyon sa kanyang damdamin. Ang puso niya at isip ay nililimi pa rin ang bawat emosyon na gumugulo sa kanyang diwa. Mariing naipikit niya ang mga mata. Nang makadilat at maka-ahon sa mga isipin ay wala na ang lalaki sa kanyang harap. Muli na lamang siyang pumikit at ibinaon sa pagtulog ang init ng kanilang pinagsaluhan kanina. Kinaumagahan nang magising siya ay literal na mainit ang kanyang pakiramdam. Hindi rin siya makahinga ng mabuti dahil barado ang kanyang ilong. At ang buong katawan niya at kasukasuan ay nanakit at kumikirot. Pinilit niyang makabangon at maglakad pagbaba. Naabutan niya si Javier na palabas ng pinto ng kabahayan. Tinawag niya ito pero hindi ito lumingon. Hahabulin sana niya ito nang biglang sumulpot si Nanay Marites. "Hermosa, bakit?" aligagang tanong nito. "Wala naman po, 'Nay. Tinatawag ko lang po si Javier." "Naku, nagmamadali iyon at papunta sa farm. May mga hayop na namang nagkasakit," pagbibigay impormasyon nito. "Ganoon po ba. Sige..." "Teka, parang may sakit ka. Maputla ka ngayon. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang sabi nito at mabilis na sinalat ang kanyang noo at leeg upang makumpirma ang sinabi. "Naku, nilalagnat ka nga! At sinisipon ka pa yata. Tara at bumalik ka na sa itaas. Ipaghahanda kita ng masustansiyang almusal at ikukuha kita ng gamot." "Okay lang po ako." "Okay-okay. Hala, mababawasan 'yang ganda mo. Sumunod ka na lang sa akin." Inakay siya nito pabalik sa kwarto niya. Umalis ito at nang makabalik ay may dala ng mga pagkain. Binantayan nito ang pagkain niya at pag-inom ng gamot. Niligpit din nito agad ang pinagkainan niya at lumabas ng kwarto pagkatapos ang katakot-takot na bilin na magpahinga lang muna siya. Kinagabihan ay mas lalong tumaas ang kanyang lagnat. Gusto sana niyang hintayin ang pagdating ni Javier pero kinulit siyang muli ni Nanay Marites na magpahinga ng maaga. Sumunod na lamang siya at maagang nagsikap makahuli ng antok. Sa kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan siya. Bumungad ang gwapong mukha ni Javier sa kanyang mga mata. "Matulog ka pa, Hermosa. Patawad kung nagambala ko ang pagpapahinga mo. Huwag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo," usal nito at hinalikan siya sa ulo. Dahil sa sobrang sama ng pakiramdam at bigat ng katawan ay sumang-ayon na lamang siya rito kahit gusto niya itong kausapin. Nang mag-umaga nang muli ay nag-iisa na lang siya sa kwarto. Nang kapain niya ang katawan ay hindi na siya ganoon kainit. Nagkukumahog siyang bumangon para hagilapin si Javier. Sigurado siyang nandoon ang lalaki kagabi. Imposibleng nagdeliryo siya at namalik-mata lang. Tandang-tanda pa niya ang mga sinabi nito. Pero nasaan na ito? Itinuloy niya ang pagbaba at naabutan sa hamba ng hagdan si Juana. "Nasaan ang kuya mo?" tanong niya. "Hindi ko po alam, Ate. Parang hindi naman po umuwi kagabi," sagot nito. "Kasama ko siya sa kwarto ko kagabi. Baka maaga lang siyang umalis." Hindi niya maiwaksi ang pagdaramdam sa tinig. Parang gusto niyang umiyak sa labis na pagtatampo. Hinahanap-hanap niya ang pag-aalaga nito. Kailangan niya ito sa tabi niya. Labis na siyang nangungulila rito. "O, Hermosa!? Bakit ka bumangon na agad? Baka mabinat ka niyan. Bumalik ka na sa kwarto mo at sagarin ang araw sa pagpapahinga para lumakas ka na agad," ani Nanay Marites na papanhik sa itaas dala ang isang tray ng mga pagkain. Hindi niya pinansin ang babala nito. "Nasaan po si Javier, 'Nay?" pakli niya. "Hatinggabi na nakauwi kahapon at kanina naman ay maagang umalis kasama si Marcelo. Uso yata ang sakit ngayon at pati ang ibang mga hayop sa farm ay nahawa na rin. Kaya kayo ni Juana, kumain kayo ng gulay para lumakas at makaiwas sa sakit. Tamang-tama dahil nagluto ako ng ampalaya para sa almusal. Sabayan mo na ang Ate Hermosa mo sa itaas, Juana." Sabay silang sumunod ng dalagita sa ina nito. Kahit papaano'y gumaan ang kalooban niya nang makumpirmang umuwi si Javier. Pero sana ay hinintay siya nitong magising man lang. Mamaya siguro ay sasabihin niyang gisingin siya bago umalis. Napabuntong-hininga na lamang siya.   IKA-ISANG linggo na simula nang magkalagnat si Hermosa. Tatlong araw na rin ang nakalipas nang tuluyan siyang gumaling. At tatlong araw na rin buhat nang matiyak niyang iniiwasan talaga siya ni Javier. Noong mga araw at gabi na may sakit siya ay dis-oras ng gabi ito parati kung makauwi. Nararamdaman niyang inaalagaan siya nito sapagkat sa bawat paggising niya ay may bulaklak na Sunflower sa mesa ng silid. Pero ng mga ilang araw na ay wala na siyang nabubungarang mga Sunflower at palagi na lang itong nagmamadali kung uuwi ng tanghali o hapon. Minsan pa ay hindi na ito umuuwi at doon na nag-aalmusal, nananghalian at naghahapunan sa farm. Naninibago siya at nahihirapan sa sitwasyon nila. Pati ang kambal ay nagtatanong na rin kung may naging tampuhan ba sila ni Javier. Wala naman siyang maisip na ibang dahilan ng pagiging malamig nito maliban sa namagitan sa kanila. Ito na ba ang konsekwensya ng hiling niya ng gabing iyon? Hindi ba nagustuhan ni Javier ang nangyari? O hindi ba siya naging sapat para rito? Minsan ay parang gusto niya itong puntahan sa farm at komprontahin pero wala siyang lakas ng loob. Lumipas pa ang ilang araw na para silang daga at pusa na nagtataguan. Hindi niya maabut-abutan si Javier. Nang hapong iyon ay nagbantay siya sa pagdating nito. Masyado nang matagal ang isang linggo para pahabain pa ang komplikadong sitwasyon nila. Umupo siya sa lilim ng Punong Mangga. Papalubog na ang araw anumang sandali pero wala pa rin ito. Ang huling balita niya ay magaling na rin ang mga hayop sa farm kaya dapat ay maaga na itong makakauwi ngayon. "Mukhang malalim na naman ang iniisip mo," anang buo at malagom na tinig mula sa likuran niya. Kilalang-kilala niya kung kaninong boses iyon galing. Hindi siya pwedeng magkamali. Dahil sa hinampo niya ay hindi siya lumingon at nagsawalang kibo. Mataman lamang niyang pinagmasdan ang mga ibong naghaharutan sa hangin sa ilalim ng kahel na langit. Isinentro niya ang isip sa napakagandang tanawin nang papalubog na araw sa pagitan ng mga bundok. Parang kaysarap ipinta ng sandaling iyon. "May dala akong pasalubong para sa 'yo," maya-maya'y dugtong nito at naupo sa malaking ugat sa tabi niya.  Hindi pa rin siya kumibo. Inilapag nito ang isang buslo ng mga prutas at tatlong sunflower sa harap niya. "Naaaliw ka yata ng mga paniki, Hermosa. Mas maganda na ba sila sa paningin mo kaysa sa akin?" "Paniki? Hindi paniki ang pinapanood ko kundi mga ibon," piksi niya nang maubos ang pagtitiis na huwag itong harapin. Isang masarap na tawa ang narinig niyang naging tugon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD