Hindi naman ako gano'n kamanhid para hindi maramdaman na wala na sa mood si Yuri. Kaya ako na mismo ang nagyaya sa kan'ya na mag-move out at gawin na lang sa ibang araw ang pag-o-orient n'ya sa 'kin tungkolsa mga mahahalagang bagay sa loob ng Armenza. Kagaya ng tatlong category sa paglalaro nito—daily task, squad tournament at solo tournament. Mga tungkol sa items, skills at upgrading ay nabanggit n'ya rin.
Ayon din sa kan'ya, may mga lugar sa loob ng Armenza na bawal puntahan, mga bahay na bawal pasukin at mga bagay-bagay na pinagbabawal sa loob ng Armenza.
Nagulat ako dahila sa pagmulat ko ng mga mata ay malabo ang nakikita ko. Nakalimutan ko panandalian na sira pala ang mga mata ko sa tunay na buhay.
May nag-abot sa 'kin ng salamin ko sa mata at nang maisuot ko na 'yon ay kaagad kong nakita si Dok Jamaica.
"Pasensya ka na, Xielo," mahinang sabi ni Honey na nasa katabing stretcher bed.
"Ayos lang. May dalawang buwan pa naman bago magpasukan."
"Isang buwan lang," sabi ni Dok Jamaica na ikinagulat namin ni Honey.
"A-Anong ibig mong sa-sabihin, Dok?" nalilitong tanong ni Honey.
"Isang taon na kayong hindi nakakasali ng squad tournament, at puro daily task lang ang nagagawa n'yo, dahil nga kulang kayo." May isang envelope s'yang binigay kay Honey at tinanggap naman ni Honey 'yon saka binukasan.
Matapos n'yang basahin, nakita ko ang pagkunot ng noo n'ya bago s'ya nagsalita, "Isang taon nang hindi nakakapagpasok ng pera ang BAS sa Axfhell. Binibigyan na lang tayo ng dalawang buwan ng board of directors. At kapag wala pa rin, ipapasara na nila ang BAS."
Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Kung sa'n nagkaro'n na ako ng pag-asa na sumakay, kahit sa loob lang man ng isang virtual world, tapos ganito pa. Para akong pinaasa, "A-Anong sabi ni El?"
"Wala s'yang magagawa, kahit na s'ya ang head dean, kung ang buong board of directors naman ang makakalaban n'ya," sagot ni Dok Jamaica.
"Ititigil ba ang paghahanap ng mga member?" tanong ni Honey, kung anong lungkot ng boses n'ya kanina matapos ang pakikipagsagutan n'ya kay Saishu, mas dobleng lungkot naman ang maririnig mo sa kan'ya ngayon.
"Ipagpapatuloy pa rin," sagot ni Dok Jamaica at nilingon n'ya ako na kaagad ko namang ikinabahala, "Sa ngayon, si Ashrah ang kailangan para makasali sa squad tournament sa susunod na buwan."
Gusto magprotesta ng utak ko, pero iba ang nasa puso ko. Sa ikli ng oras na inilagi ko sa loob ng Armenza, parang nagkaro'n na ako koneksyon do'n. Parang gusto ko pang gumawa ng mga alaala sa loob ng Armenza. Biglang dumaan sa paningin ko ang mukha ni Saishu na nakangisi sa 'kin.
Mahinang nilalang, 'yan ang sabi n'ya.
Parang may sariling isip ang bibig ko at bigla na lang akong nagsalita, "Ano bang kailangang gawin para makasali ako?"
Nakita ko ang pagngiti nilang dalawa.
Gusto kong patunayan sa Saishu na 'yon na hindi mahina si Ashrah. Higit sa lahat, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong maging matapang, kahit sa loob lang ng isanf virtual world.
Umuwi ako na dala ang usb na bigay ni Dok Jamaica, pag-aralan ko raw muna ang mga basic information tungkol sa Armenza.
Nang mapag-isa na ako sa kwarto ko, saka ko pa lang na-absorbed lahat ng mga nangyri kanina. Parang gusto ko tuloy magpa-party, dahil pakiramdam ko ang tapang-tapang ko no'ng pumayag ako sa gustong mangyari ni Dok Jamaica—ang sumali sa squad tournament next month.
Pumikit ako at binalikan sa mga alaala ko ang loob ng Armenza. Napangiti ako nang dumaan sa isipan ko ang mukha ng avatar ko. Napabangon ako bigla nang mukha naman ng mayabang na si Saishu ang nakita ko.
"Naku! Humanda ka talaga!"
Kaagad ko nang pinag-aralan ang nasa loob ng usb nang maikonek ko na 'yon sa laptop ko.
-----------------------
PAANO LARUIN ANG ARMENZA : WORLD OF HEROES?
- Magla-log in o move in lang ang player gamit ang headgear, gamit ang national id. May swiping portion sa gilid ng headgear at doon isa-swipe ang national id. Pagkatapos, gagawa ng sariling avatar or hero ang new player. Pipili rin siya ng permanent weapon na kan'yang gagamitin. Makikita sa taas ng ulo ng player ang status bar— nakasulat doon ang HN (hero's name) nito at ang HP level. Visible ito sa lahat ng players.
May iba't ibang category sa larong ito.
*DAILY TASK*
- Bawat member ng squad ay may nakatalagang petsa kung saan sila ang gagawa ng task. Mas maraming member, mas mabuti. Kapag nagawa ng naka-assigned player/s ang daily task sa loob ng nakatalagang oras, makakatanggap ang kaniyang squad ng rare gifts (pwedeng bagong bahay sa loob ng Armenza na magiging hideout ng buong squad, o isang totoong premyo sa totoong mundo), makakatanggap din ang naka-assigned na player/s ng coins na p'wedeng i-convert sa totoong pera o p'wede niya ring ibili ng items.
*items* (example : silver dust, gold dust, metal dust, ruby dust, etc.)
- ito 'yong ginagamit para i-upgrade ang weapon
- ito rin ang ginagamit para i-upgrade ang isang permanent skill ng isang player.
*skill* (invincibility, flexibility, healing, flame shots, replication, regenerate, recall, teleport, etc.)
- nakukuha ito ng mga nananalong squad sa isang squad tournament lang
- Madadagdaan din ang HP level ng player na naka-assigned.
(Ang player na mauubusan ng life habang ginagawa ang task ay tatlong araw na hindi makakapag-move in sa Armenza. )
/Makikita ng mga player ang items nila sa kanilang inventory. Isang swipe pataas lang sa ere ang kailangang gawin ng isang player. May lalabas na isang screen na tinatawag na menu. Nakapaloob sa menu ang GPS(malalaman dito kung saan ang location ng bawat member ng isang squad), weapon (dito maaaring i-upgrade ng isang player ang kaniyang weapon, makikita n'ya rin dito ang mga kakailanganin n'yang items for para sa pag-upgrade), inventory (narito lahat ng items na mayro'n ang isang player), headboard (makikita rito ang mga nangungunang squad sa loob ng GSO at pati na rin ang mga TH (top heroes), shop (dito bibili ng items ang isang player), skills (dito nakalagay 'yong mga permanent skill na matatanggap lang nila kapag nanalo sila sa squad tournament at makikita rin nila kung anong mga kakailanganin for skill's upgrading.)
Kapag hindi nagawa ng player ang isang daily task sa itinalagang oras, mababawasan siya ng HP level at ganoon din ang buong HP level ng squad.
*SQUAD TOURNAMENT*
- Ang pinakasikat na category at ginaganap once a month na nagtatagal ng one week.
- Sampung miyembro lang kada squad.
- Ang bawat miyembro na kasali ay dapat nasa HP level 20 na.
- Tatlong skill lang ang dapat na i-obtain ng isang player.
- Dalawang squad ang maglalaban, ang system mismo ng GSO ang magsasagawa ng match making. Sa mismong araw ng tournament lang malalaman ang magiging kalaban nilang squad.
- Ilalagay ang dalawang squad sa isang area (kagubatan, disyerto, abandonadong syudad, etc). Sa pinakagitna ng area naka-locate ang isang sitwasyon (bahay na nasusunog, gumuguhong building, napapalibutan ng mababangis na hayop, etc.) kung saan, paramihan ang dalawang squad sa pagliligtas ng sibilyan. Ang mga sibilyan ay mga system manipulated. Ibig sabihin, computer ang nagpapagana or nagpapagalaw sa kanila. At dahil mag-uunahan at magpaparamihan ang dalawang squad, hindi maiiwasan ang p*****n. Ang mamamatay o mauubusan ng life na player sa isang tournament ay one week na hindi makakapag-move in sa Armenza at mababawasan ang HP level nito.
(may mga skills naman na nagbibigay ng karagdagang life katulad ng regenerate (50% ang ibibigay nitong life span) recall, pwedeng bumalik sa base ang player para maging 100% ulit ang life span nito at makakabalik kaagad sa pwestong iniwan. Minsan lang nakakatanggap ng recall item ang isang player at mahal naman ito kung bibilhin.)
*Ang bawat skill ay tatlong beses lamang nagagamit*
Ang mananalong squad ay may malaking premyo na matatanggap, coins na pwedeng i-convert sa totoong pera, rare items (para mas mapabilis ang pag-upgrade ng weapon or skills nila), upgrades (pwede nilang palakihin ang bahay or hideout nila sa loob ng Armenza), mapapabilang sa headboard at makakatanggap ng permanent skill (gaya ng invincibility for ten seconds, flexibility (tatakbo ng 100 meters in just 5 seconds, etc) at pwede nila iyong i-upgrade).
*SOLO TOURNAMENT
- Ang category na ito ay para sa mga player na may hinahamong ibang player.
- Karagdagang HP level para sa mananalong player.
- Makakatanggap din ng random items.
- Makakatanggap ng coins, pero hindi pwedeng ma-convert sa totoong pera.
Ang player na mauubusan ng life sa isang solo tournament ay hindi makakapag-move in ng tatlong araw sa Armenza.
------------------------------
Kailangan ko pa lang umabot ng HP 20 para makasali sa squad tournament.
I don't know, but I feel excited. Unti-unti na nga akong nagbabago, simula nang tumapak ako sa Axfhell University. Kaya ba, mas pinili ng long manatili, kahit alam kong nand'yan si Shaine?
Bigla ko na namang naalala si Saishu.
Maghintay ka lang Saishu, lalakas din ako.