Chapter 6 - Saishu

1479 Words
Papunta kami sa bahay ng BAS. Ayon kay Honey, p'wede kang bumili ng bahay sa loob ng Armenza, magpatayo ng tindahan o mamuhay na katulad nang sa totoong pamumuhay sa tunay na mundo. Hindi raw lahat ng mga player dito sa loob ng Aremenza ay sumasali sa tournament, may mga ibang team na sa daily task lang nakakakuha ng mga incentives o 'yong mga coins na pang-upgrade ng mga weapon. Ipapaliwang daw lahat ni Honey mamaya ang tungkol sa bagay na 'yan, kapag nakarating na kami sa bahay ng BAS. Panay lang ang lingon ko sa bawat madadaanan namin. Para akong isang bata na dinala sa isang playground at sobrang tuwang-tuwa. Kulang na lang siguro ay humugis star ang mga mata ko. Isama mo pa ang iba't ibang hitsura ng mga tao sa paligid, para akong nasa isang cosplaying event. May nakita akong tindahan na parang isang mall, o matatawag pa ba 'yong tindahan? Sa sobrang gara, parang gusto ko na lang ibenta ang pinto nila, kumikinang na parang isang tunay na gold. May nakita akong mga bata na bumibili ng ice-cream at bigla akong nagtaka. Kaya kaagad kong hinila ang kamay ni Honey at natigil s'ya sa paglalakad, "Ba't may mga bata? Sa pagkakaalam ko tanging may mga national id lang ang p'wedeng maglaro. Twelve years old pababa ay hindi pa nagkakaro'n ng national id." Tumawa s'ya nang mahina, "Kumalma ka nga. Mga system-operated ang mga batang 'yan." "System-operated?" Ulit ko sa sinabi n'ya. "Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ng mga tao ang GSO?" tanong n'ya na mas lalong nagpagulo sa isipan ko. Umiling ako kahit naguguluhan, "Dahil sa loob ng GSO, nagiging posible lahat ng imposible dito." Somehow, I was enlightened. Naalala ko ang sinabi ni El. "Ayaw mo bang tumapang?" "May mga mag-asawang nandito sa loob ng Armenza, na hindi nabiyayaang magkaanak. Pero, sa loob ng Armenza, naging buo ang pamilya nila." Naiintindihan ko na. "Para sa 'kin, mas pipiliin ko pa ang Armenza kaysa sa tunay kong buhay sa labas." Hindi ko alam, pero parang naiiintidihan ko ang sakit na nararamdaman n'ya. "Alam kong may sarili ka ring kwento." Ngumiti s'ya sa 'kin, "Hoping to know you more, lalo na at nasa iisang squad tayo." Gumanti ako ng ngiti sa kan'ya, "Sure!" Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng saya. Ngayon ko lang  naranasan ang makipag-usap sa iba na may mga ngiti sa labi ko. Parang gusto ko na rin dito sa Armenza. "By the way, nice avatar," nakangiti n'yang sabi sa 'kin. "Naku! Mas astig nga 'yang avatar mo." Kumpara sa totoo n'yang katawan, matangkad ang avatar n'ya. Sa unang tingin ko pa lang sa avatar n'ya, nagsusumigaw na ito ng katapangan. Nakasuot s'ya ng strapless na damit at fitted jeans na pinatungan n'ya ng itim na coat. Nakaitim na boots din s'ya. Ang mas lalong nakapagpaastig sa kan'ya ay ang baril nakasabit sa beywang n'ya. Para s'yang si Angelina Jolie sa palabas nitong Tomb Raider. Hindi katulad sa tunay n'yang katawan na parang katorse anyos pa at walang kamuwang-muwang sa mundo, ang nakikita kong Honey ngayon ay isang babaeng walang inuurungan at handang makipagpatayan kahit anong oras. "Ikaw ang unang miyembro na gagamit ng pana." Nagsimula na ulit kaming maglakad. "Hindi ko pa alam kung pa'no 'to gamitin," nahihiya kong sabi. "Tutulungan ka ni Rim, isa rin s'yang long range weapon user." Tumigil s'ya sa paglalakad at hinarap ako, "Ako nga pala si Yuri." Natawa ako, dahil kanina pa kami magkasama, hindi pa namin alam ang mga pangalan namin dito sa loob ng Armenza, "Ako si Ashrah." At sabay kaming tumawa. Mukhang mamahalin ko na 'tong Armenza. Nakakatawa na ako sa harap ng ibang tao. Sana lang, maging ganito na ako sa totoong buhay. "Matanong ko lang, Yuri, matagal ka na bang naglalaro?" "It was ten years ago. High school pa lang ako at ngayon, two years na lang ga-graduate na. May apat na taon pa ako sa BAS, dahil nag-extend ako ng kontrata, ganoon din ang ibang natirang member." "Talaga? Gano'n na katagal?" "Wala pa ang BAS, player na ako ng GSO. Kababago lang naglimang taon ang BAS. Ang Armenza ang latest upgrade ng GSO. Nagsimula ang BAS sa Xusha : World of Blades. Sampung miyembro lang talaga kami noon, at no'ng five years anniversary ng BAS, last year lang, nagpaalam si Raffa, ang naging leader namin, tapos na rin kasi ang kontrata n'ya. At ito ang unang taon namin dito sa Armenza, this was launched last year, the next month na umalis si Raffa papuntang abroad." "Gano'n na pala katagal ang GSO. So, ba't kayo lumipat dito?" "Mas exciting dito!" Napapangiti na lang ako. Nakikita kong masaya nga s'ya rito. Sana, gano'n din ako. "Sa ngayon, ito pa lang ang nakayanan naming bahay." Binuksan n'ya ang kulay brown na metal gate at sumalubong sa akin ang simpleng bahay na gawa sa kahoy. Napapalibutan ng mga bulaklak na ngayon ko lang nakita o baka rito lang talaga makikita. May gazebo sa kanang bahagi at may maliit na fishpond sa kaliwang bahagi. "Naku! Sanay na ako sa mga d**o!" "Mga d**o talaga?" natatawa n'yang sabi, "Sa'n ka ba nakatira?" "Sa St. Lucia, La Union. But, I moved out, and living alone in Misccorro Building." "Woah, rich kid!" "Sikat ba talaga ang building na 'yon?" tanong ko at naalala ko na naman ang unang pagkikita namin ng aroganteng lalakeng 'yon. "Yeah, balita ko, nasa Misccorro Building ang mga pinakamahal na condominium sa buong Metro Manila." "Well, nanay at tatay ko ang  mayaman, dahil sa hacienda nila," I said sarcastically that made her giggle. "Nagpaka-humble pa." "Eh, ikaw ba?" "Well, nanay at tatay ko lang din ang mayaman." At sa sinabi n'yang 'yon ay sabay na kaming tumawa. Mukhang makakasundo ko talaga s'ya, sana gano'n din sa iba pang miyembro. Umakyat kami sa tatlong baitang na hagdan at bumungad sa 'min ang veranda. Ang lamig sa tingnan, dahil nakaharap ang buong veranda sa maliit na fishpon. Bago pa man mahawakan ni Yuri ang doorknob, may isang bola ang tumama sa pinto. Kaagad naming nilingon ang pinanggalingan ng bola. Isang lalakeng may kulay orange din na buhok, kasinghaba rin ng buhok ko at may matutulis na tainga rin s'ya gaya ko. Teka lang... Napansin ko ang ginawang paglingon ni Yuri sa 'kin kaya nilingon ko rin s'ya. Tumingin s'ya ulit sa lalakeng nasa harapan. Parehas ba kami ng iniisip? Binaling ko ulit ang tingin sa lalake na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin. Anak ng kangaroo! Bakit nakikita ko sa kan'ya si Orlando Bloom sa palabas na The Lord of the Rings? Oo, at masyado nang matagal ang pelikulang 'yon, pero isa 'yon sa paborito kong palabas. "Anong ginagawa ng top hero ng Armenza sa bakuran namin?" Top hero? Tiningnan ko ang status bar na nakalutang sa taas ng ulo n'ya. Saishu HP 150 Gano'n na kataas? Kahit hindi ko pa naiintindihan kung anong ibig sabihin ng HP, alam kong malakas s'ya. Nahiya naman ako sa HP ko. HP 0 pa! Kay Yuri naman, HP 50. Gaano kalakas ang Saishu na 'to? "Hindi ba p'wedeng nasipa ko lang nang malakas ang bola, dahil nasa Main City ako, at nagkataong malapit sa Main City ang bulok n'yong bahay." Bigla akong nakaramdam ng inis, dahil sa sinabi n'ya. Ang yabang! "Oo na, kayo na ang may mansyon." Nararamdaman ko na rin ang inis sa boses ni Yuri, "P'wede ka nang umalis sa bulok naming bahay." "Kaya kayo iniwan ni Raffa, dahil ang hihina n'yo," nakangising sabi ng lalakeng mayabang. "Sumusobra ka na!" Hindi na napigilan ni Yuri ang galit n'ya. "Oh, bakit? Simula nang umalis kayo ng Xusha at lumipat dito, kulelat na kayo! Isa lang ibig sabihin no'n, si Raffa lang talaga ang nagpapaangat sa inyo. Nabigata na siguro s'ya, kaya umalis." Si Raffa kaya ang tinutukoy ni Yuri na leader nila? Nanatili lang akong tahimik, dahil wala naman akong alam sa mga pinag-uusapan nila. "Tapos ngayon, may bago kayong miyembro na sa unang tingin pa lang, parang hindi kayang humawak ng pana." Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Napayuko na lang ako, dahil sa totoo lang, may punto ang lalakeng mayabang na 'to, "Kapag kumalat sa buong Armenza na may kamukha akong mahinang nilalang, humanda kayo sa 'kin." Napansin n'ya rin pala na magkahawig ang mga avatar namin. Aba malay ko! Hanggang sa umalis na ang lalakeng mayabang, nanatiling tahimik si Yuri. Hindi ko naman alam kung anong gagawin, kaya nanahimik na lang din ako. Ilang minuto pa at s'ya na rin mismo ang bumasag sa katahimikan, "Saishu, top hero of Armenza. Kahit sa ibang virtual worlds, kilala s'ya, dahil laging nangunguna sa headboard ang pangalan n'ya. Gun user, at kasalukuyang nasa HP 150 na s'ya, ang pinakamataas na HP sa buong GSO." Malakas nga s'ya. Bigla akong nakaramdam ng kung ano na hindi ko maintindihan. Parang gusto ko s'yang makalaban. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD