Chapter 5 - Armenza

1511 Words
"I'm Honey Lee," pakilala sa 'kin ng isang babaeng maliit at chinita. Tinanggap ko ang pakikipagkamay n'ya, "Ako si Xielo Raine Arzamella." "Second rule bilang BAS member," singit ni Dok Jamaica, "Kung anong tunay mong pangalan, 'yon ang itatawag namin sa 'yo dito sa tunay na mundo, kung anong pangalan mo sa loob ng GSO, 'yon ang NJ sa laboratory. Bawal pag-usapan sa labas ang tungkol sa BAS o sa GSO man at Armenza." Tumango-tango lang ako. Matapos kuhanan ng vital signs ni Dok Jamaica si Honey, pumasok kami sa isang kwartong nasa loob lang din ng laboratory. Sa sobrang laki ng laboratory ay maluwang pa itong tingnan. Sakop 'ata ng laboratory ang buong fifth floor "Ito ang headgear mo at ito ang magiging pwesto mo." Tinuro ni Dok Jamaica ang isang maliit na stretcher bed. Ang headgear ay para bang isang salamin sa mata, ang kaibahan nga lang, sakop nito pati ang ulo. Parang helmet na mga mata at ulo lang ang natatakpan. Sampung magkakalapit na mga maliliit na stretcher bed ang nakahilera sa right corner ng kwarto at gano'n din sa left corner. Sa bawat stretcher bed ay may katabing maliit na monitoring device. Inabot ni Dok Jamaica ang headgear ko saka tinuro ang nasabi monitoring device, "Hindi maiiwasan na magkaroon ng problema—pagbilis ng heart rate, pagbaba ng blood pressure at blood sugar ay isa lang sa mga maaaring mangyari. That's why, mayro'n tayong monitoring device. Ito ang magsasabi kung dapat kang mag-move out sa game." "Move out?" nagtataka kong tanong. "Ang term na ginagamit, instead of log in, move in. Sa halip na log out, move out." Napatango-tango ako sa sinabi ni Dok Jamaica. Nakaupo si Honey sa katabing stretcher bed at hawak na nito ang headgear n'ya. "Idi-demo ni Honey kung pa'no mag move in." "Gamit ang national id mo, swipe mo lang sa gilid ng headgear." Gano'n nga ang ginawa n'ya. May maliit na swiping portion sa kanang gilid ng headgear, "Kapag nag-color green na s'ya, saka mo isuot. Bibigkasin mo ang salitang 'connect'." Nang maisuot n'ya na ang headgear ay kaagad s'yang humiga. May ikinabit si Dok Jamaica na parang bracelet sa palapulsuhan ni Honey at ayon sa napansin ko, 'yon ang nakakonekta sa monitoring device. "Connect," mahinang sabi ni Honey. Binalingan ako ni Dok Jamaica, "Kapag magmu-move out ka na, kailangan mo munang pindutin ang menu bar at hanapin ang move out, bago mo bigkasin ang 'disconnect." Sa pagkakatanda ko, isang swipe up pataas at lilitaw ang menu bar. Para ka lang may hawak na imaginary cellphone at nag-ii-scroll ka sa hangin. Tinanggal ko ang bagpack na suot dala-dala ko at kinuha sa loob n'on ang national id ko. Kinuha ni Dok Jamaica ang bag ko at itinabi. Binigay  n'ya ang headgear ko sa 'kin, "Dahil new player ka, kailangan mo munang gumawa ng sariling avatar o hero, permanently. Kahit ang hero's name mo ay permanently na rin. Dahil cefyus ang gamit mong headgear, mag-iilaw ang daan papuntang Armenza." Kumonot ang noo ko, dahil wala akong maintindihan, "Hindi ko alam ang tungkol sa cefyus." "Ang bawat virtual world ay may sariling headgear," paliwanag n'ya, "P'wedeng gumamit ng iba't ibang headgear ang isang player. Pero kung ano na ang pangalan at avatar ang ginawa mo sa unang virtual world na pinasukan mo, automatic na 'yon na ang magiging avatar at username mo, kung sakali mang maglalaro ka sa ibang virtual world. Cefyus ang tawag sa headgear na para sa Armenza. Cerillus naman ang para sa Estima. Cemenius para sa Serenya. Cebius para sa Jishia. Ceshus para sa Zurilla. Cemgorius para sa Xusha at cepellus para sa Krippa." Kailangan ko na sigurong gumawa ng sarili kong notes. "Mag-move in ka na." Swipe. Suot. Higa. "Connect." Akala ko gano'n lang kasimple, pero parang hinihigop ang kaluluwa ko at napapikit na lang ako nang maging kulay blue na may halong kulay ng silver ang nakikita ko sa headgear. Napamulat na lang ako ng mga mata nang may biglang nagsalita. "Welcome to Game Squad Online, a virtual universe!" Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso, kung hindi kanina pa ako nahimatay. Nanggugulat eh! Tiningnan ko kung sa'n ako nakatayo. Nasa loob ako ng isang malaking garapon na napapalibutan ng salamin. At laking gulat ko na lang, dahil nakahubad ako! Ang mas nakakagulat pa, hindi ko makita ang bagay na nasa gitna ng mga hita ko. Gano'n din ang dibdib ko. Kahit wala naman akong dibdib, may nakaumbok din naman kahit papa'no. Pero ngayon, para akong isang hindi maipaliwanag na nilalang. Nang may biglang pumasok sa isip ko, dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ko at napatalon na ako, dahil sa gulat. Wala akong mukha! Wala akong buhok, kahit tainga, wala! Pero paano ako nakakakita at nakakahinga kung wala akong  mga mata at ilong? Sasabunutan ko sana ang sarili kong buhok, pero dahil wala pala akong buhok, marahan kong sinapak ang sarili ko. Malamang, para akong isang alien, dahil nasa loob na ako ng GSO at kailangan ko pang gumawa ng sarili kong avatar, para magmukha akong tao. Nilibot ko ang tingin ko. May mga kalsada na magkakatabi at nasa iisang direksyon lang papunta. Iisang kalsada lang ang maliwanag at ang natitira ay madidilim na. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at pinuntahan ang kalsadang maliwanag. Nang nasa tapat na ako ng kalsada, may mga salitang lumitaw sa ere. Armenza : World of Heroes Choose a gender May dalawang bilog ang lumitaw, kulay pink at blue. Pinindot ko ang kulay pink at kaagad namang may mga salitang lumitaw sa ere, isang hakbang galing dito sa kinatatayuan ko. Humakbang ako papalapit at saka ko pa lang nabasa nang maayos ang mga letrang nasa ere. Choose your skin tone May mga maliliit na bilog na may iba't ibang kulay. Seriously? May color violet na balat? Pinili ko na lang ang tunay kong skin tone. Hindi sa pagmamayabang, pero maputi talaga ako. Napansin kong nagbago nga ang kulay ng balat ko. May lumitaw ulit na mga salita sa ere. Are you sure? Dahil bigla akong may naisip na kalokohan, inisa-isa ko ang mga kulay at halos mamatay na ako kakatawa nang maging kulay uling ako. Nang magsawa na ako ay pinindot ko ang kulay na sasakto sa tunay kong balat saka pinindot ang yes, sa baba ng 'are you sure'. I move one step forward, at saka ko nabasa nang maayos ang mga salita sa ere. Choose your eyes May mga malilit na bilog ulit ang lumitaw at may picture ng iba't ibang hugis ng mata. Pinindot ko ang nagustuhan ko at may lumitaw na panibagong mga maliliit na bilog—iba't ibang kulay, pero brown ang pinili ko. Kaagad na may lumitaw na salamin sa ere at napaatras ako ng ilang metro, dahil nagulat ako sa mukha kong mata lang ang mayro'n. Ang sagwa tingnan! Kaya dali-dali ko nang pinindot ang yes sa ibaba ng 'are you sure'. Nakakakilabot! Para akong alien sa bayan ng Mars. Ilang minuto pa at nakikita ko na ang buong hitsura ko sa harap ng salamin. Napangiti ako ng wala sa oras. Kulay orange ang mahabang buhok at matutulis na tainga. Malayong-malayo sa tunay na ako. Pakiramdam ko, ipinanganak ako ulit sa bagong katauhan at katawan. May lumitaw ulit na mga salita sa ere. Create your hero's name May lumabas na keyboard at kaagad kong tinipa ang pangalang 'Ashrah'. Only one step left. Choose your permanent weapon. Lumabas ang mga armas na nabasa ko sa documents na binigay ni El sa 'kin. Masyadong mabusisi kung baril. Nakakatakot din makipaglaban sa malapitan, kaya hindi ko pinansin ang mga short range weapons, gaya ng espada. Tanging iisang bagay lang ang pumukaw sa atensyon ko. Bow and arrow. Madaling gamitin, hindi mahirap bitbitin at higit sa lahat, p'wedeng makipaglaban sa malayuan. Pinindot ko na 'yon kaagad. Already transferred to your inventory. You can check it in your menu. Kaagad akong nag-swipe pataas sa hangin at gano'n na lang ang pagkamangha ko, nang may lumabas na maliit na monitor—kasing laki 'ata ng screen ng laptop. Pinindot ko ang inventory at naro'n na nga ang pana at palaso. Pinindot ko ang details. *Long range weapon *20x arrows (upgradable) *2 seconds per 5 meters (upgradable) Nakakamangha naman! Naisip ko na bigyan s'ya ng pangalan. Hmm Armia? P'wede! Kailangan na nating maglaro, papalakasin kita, Armia. May nakita akong nagliliwanag na gate sa unahan, kaya kaagad ko 'yong pinuntahan. Kusa 'yong bumukas at napanganga na lang ako sa nakikitang tanawin. May mga nagliliparang tao sa paligid. May mga building na lumilipad. At ang pinakasentro, na s'yang pinakanakakaagaw ng pansin—ang isang toreng abot 'ata hanggang langit. Nagliliwanag 'yon na para bang sinabuyan ng pixie dusts. "Kanina pa kita hinihintay." Nilingon ko ang babaeng nagsalita. May nakasabit na espada sa likod n'ya at may mahabang buhok na naka-ponytail. Nakasuot s'ya ng itim na coat. Alam kong s'ya si Honey, dahil nakita ko na ang mukhang nasa harapan ko sa picture frame na nasa laboratory. Ngumiti s'ya sa 'kin, "Maligayang pagdating sa mundo ng Armenza."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD