[4]

1980 Words
"Wait for me, Charles!" tawag ko sa kan'ya habang hawak-hawak ng mahigpit ang dala-dala kong bag. 'Di ko kasi nasuot ng maayos since nagmamadaling umalis si Charles. Ayoko namang maiwan ako kaya basta ko na lang kinuha.  Kanina pa dumudulas sa kamay ko ang bag pero hinahawakan ko pa rin ng mahigpit. Hindi ko namalayan na nahulog pala ang strap ng bag ko kaya natapakan ko ito at nadulas. Napadaing na lang ako dahil sa naramdamang sakit sa beywang ko.  Nakakainis. Tinatakasan ba ako ni Charles? Sana naman, kahit papaano, umayos na ang pakikitungo niya sa akin. Kahit hindi bilang friends, kahit bilang isang acquaintance lang. Nakakapagod kasi siyang habulin eh.  Papatayo na sana ako nang naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko. "What are you doing?" Napalingon ako sa kan'ya habang gulat siyang tinitignan. Binalikan niya ako... "S-sorry, I tripped and fell--" Napapikit na lang ako nang naramdaman kong binuhat niya ako. "You're always falling down, always hurting yourself," he said grumpily. De ja vu. Pangalawang beses na niya akong binuhat ng ganito. At dahil 'yun sa pagkadapa ko. I think I do like falling down, lalo na't if he's there to save me in the end.  Papalabas na sana kami ng gate, kaso may humabol sa amin. "Teka, Charles!" Agad rin namang tumigil si Charles at sabay kaming tumingin sa babaeng kaklase namin na hingal na hingal. Inayos pa niya ang sarili niya at ngumiti ng matamis kay Charles bago magsalita. "What?" iritado niyang tanong.  "Si Kiss kasi, kagrupo namin siya. Kailangan niyang tumulong sa reporting namin for tomorrow. Naramdaman ko ang matalim na titig ni Charles sa akin pero 'di ko siya kayang tignan. Lagot, magagalit na naman 'to sa akin. Ayaw niya kasing 'di ako gumagawa ng school requirements.  "Fine!" sagot ko at ibinaba na niya ako. Lumingon ako sa kan'ya at ngumuso. "Hintayin mo 'ko, Charles? Please?" Kumunot lang ang noo niya.  "Bilis Kiss. Para maaga tayong matapos," bulong ng kasama ko. Tinitigan ko siya ng masama. Kasalanan niya kung bakit 'di ko makakasama si Charles ngayong hapon. Pipikutin ko pa sana na bilhan ako ng ice cream at teddy bear. Aish.  Napaatras siya ng makitang seryoso akong naaasar sa kan'ya. Nauna na siyang maglakad habang ako naman ay nakasunod lang. Hindi ko na napansin kung nakasunod ba sa'min si Charles o hindi. Baka mamaya, umuwi na 'yun ng wala ako. Sinong maghahatid sa'kin pauwi? *** "What?! Sa bahay niyo pa gagawin? Oh c'mon!" Mag-iisang oras na kami dito, halos wala pa ring nagagawa ang so-called kagrupo ko. At ngayon, naplanuhan pa nilang sa bahay na lang ng 'leader' gawin since magco-close na ang school.  "Kung tumulong ka kasi, Kiss, pwede? Hindi 'yung iniinsulto mo lang kami habang nakaupo ka diyan," inis na sabi ng isa ko namang kagrupo. Shucks, ako pa? Madali akong kausap.  "Gano'n ba? O tara sa bahay mo," sabi ko at tumingin sa leader.  Sa kasamaang palad, malayo pala ang bahay ng leader namin so natagalan pa kami. Pagkarating doon, agad kong kinuha ang laptop at nagkulong sa isa sa mga kwarto. 'Di na 'ko nagpaalam, dahil ako lang rin naman ang gagawa ng report namin, hayaan na nila ako. Kahiya naman kasi sa kanila eh. Humiga ako sa kama at pasimpleng inamoy ang kwarto habang naka-focus pa rin sa laptop. Bakit amoy lalaki ang kwartong 'to? Eh babae ang leader ng grupo? Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.  Palapit na akong matapos nang marinig kong bumukas ang pintuan. Pero hindi ito ang pintuan ng kwarto.. kundi pintuan ng banyo! Nanlaki ang mata ko nang makitang lumabas mula sa pintuan ang isang lalaking kakatapos lang maligo. Muntikan na akong mapasigaw kaya agad kong kinuha ang kumot ng sa may kama at tinakpan ang mata ko. Oh no! My oh so virgin eyes na dapat for Charles' only lang! I heard him curse, nakita niya na siguro akong nakatakip ang mata. Tinawag niya ang pangalan ng ate niya, which is 'yung leader nga namin at naririnig ko ang tawanan nila mula sa labas. How dare they! Kung burahin ko kaya lahat ng report namin!  "Wait, Kiss, ikaw ba 'yan?" Nang binaggit niya ang pangalan ko, doon ko lang narealize na familiar 'yung boses niya. Pagtingin ko, ang kupal, 'di pa rin nagbibihis! "Pwede ba, magbihis ka muna bago mo 'ko kausapin?!" Doon ko narinig ang halakhak niya kaya mas tinakpan ko ang mukha ko. Langya. Pinagtatawanan pa niya ako. "Tapos na po. Okay na. Promise," natatawang sabi niya. Sumilip pa ako para siguraduhin at buti naman dahil nagsasabi siya ng totoo. "Luke.. kapatid mo siya?" tanong ko.  "Kaya nga tinawag kong ate 'di ba?"  Pilosopo much. Ang tino ng sagot eh. Pwede namang oo o hindi lang.  Tumabi siya sa akin sa higaan at tinignan 'yung laptop. "Anong ginagawa mo?" Agad akong umurong palayo sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit, pero automatic na 'yung pag-urong ko palayo.  "Report. Anggaling kasi ng kagrupo ko," sarkastikong sabi ko. Kaya mas maganda sana kung I do reports alone.  "Bakit ka umuurong palayo, para namang re-r**e-in kita," halakhak niya.  "Para sigurado," kibit-balikat kong sagot.  Natapos pa rin ako, kaso masyadong maaga ako natapos. Gusto ko munang patagalin para magdusa ang mga kagrupo ko. May binuo akong plano at sumang-ayon naman si Luke sa akin. "Nina?" tawag ko sa kapatid ni Luke. Nakarinig naman ako ng mga papalapit na yapak. "Tapos ka na ba, Kiss?" tanong niya sa'kin. "Hindi pa eh. Mahirap pala 'yung report. Hintayin niyo ko, para ma-discuss pa natin 'yung report natin, okay?" Narinig ko naman silang sumang-ayon. Ibig sabihin, kumpleto pa sila sa labas. Nang wala na ang mga boses nila sa labas ng pintuan, binuksan ko ang bintana ng kwarto ni Luke. Buti naman at nasa first floor lang ang kwarto niya kaya madali lang makalabas. "Tara dito," aya ni Luke at yumuko nang dumaan kami sa isang malaking bintana. Mula sa bintana, naabutan ko silang nagmo-movie marathon habang may kinakain na popcorn. Langya talaga. Pumara agad ng jeep si Luke nang nalagpasan na namin ang bahay nila. Bahala sila dyan. Maghintay sila sa wala. Naka-lock pa naman 'yung pintuan ng kwarto ni Luke.   Sumakay na ako sa jeep na halos puno na rin. Nagulat na lang ako nang pati si Luke ay sinabayan ako. "Ihahatid mo ba ako sa amin?" tanong ko. Tumango na lang siya.  "Manong! Bayad po!" sabi niya at inabot ang bayad.  "Ilan dito sa bente?" tanong ng driver. Nagtaka ako dahil ngumiti siya ng nakakaloko sa akin bago sagutin si manong. "Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim." Narinig ko ang tawanan sa loob ng jeep kaya agad akong napatakip ng mukha. Bwiset. Ang kapal ng mukha nitong lalaking 'to. "Aral ka muna, boy!" sabi ni manong pero tumawa rin naman. Siniko ko siya at tinitigan ng matalim. Nginitian niya lang ako at kumindat.  'Di ko alam na matagal pala ang biyahe pabalik ng bahay. Maya-maya lang ay dinadalaw na ako ng antok. Medyo oonti na lang rin ang pasahero sa jeep. Isinabit ko ang isang kamay ko at doon isinandal ang ulo.  Naramdaman kong may humawak ng balikat ko at unti-unti akong isinandal sa kan'ya. "Tulog ka na. Ako ng bahala sa'yo," rinig kong bulong niya bago ako tuluyang nakatulog. *** "Kiss! Alam mo ba na inabot na kami ng madaling araw kakahintay sa'yo? Akala talaga namin nahirapan ka na! 'Yun pala nakauwi ka na ng bahay at kanina pang 10 o'clock mo natapos!" Nagkibit-balikat na lang ako habang patuloy nila akong sinisigawan. Bahala sila dyan. Paglabas ko ng room, nadatnan ko ang isang galit na Charles na nag-aabang sa akin. "Where were you last night?! You told me to wait for you but you left without me!" giit nito. Agad rin akong na-guilty. Nakalimutan ko kasi siya. And I didn't thought na hinintay niya talaga ako. Wala naman kasi siyang pakialam dati eh. "Sorry, nagmamadali kaming umalis kahapon. Tara kain. I made you lunch." Nasanay na si Charles na hindi na bumibili ng pagkain sa canteen t'wing lunch dahil ako na ang gumagawa ng lunch namin. Talaga pang-dalawang tao para kaming dalawa ang kailangan kumain together.  "No, I want to know where were you last night, first. I just went to the bathroom and the moment I came back, you were gone!" Hindi ko alam kung concerned ba siya kaya ganito siya maka-react or galit talaga siya dahil pinaghintay ko siya. "Sorry talaga, hindi na mauulit," sabi ko ulit. Ano bang magagawa ko para patawarin ako ni Charles? This is like the first time I ditched him, and it did not feel good. How could I? Bakit ko kinalimutan ng gano'n-gano'n lang si Charles? Bigla akong may naalala. Back when we were kids, Charles really liked to eat gummy bears. I don't know why, pero gustong-gusto niya ito. Minsan pa nga, he would wait for a week bago kainin. Tapos, inuunti-unti niya pa, para hindi maubos agad. That's how we all eat our favorite food. "Tara, punta ka sa bahay ko mamaya, I have something to give you." Hindi naman siya nagreklamo. *** "Tada!" nakangiting sabi ko while holding a bag of gummy bears. I've been keeping this in my room for emergencies. Emergencies like this para mapakalma si Charles. Akala ko nga 'di ko kakailanganin, gulat ko na lang nang makitang galit siya sa'kin kaninang umaga. Palipat-lipat ang tingin niya sa'kin to the bag I am holding. And right then and there, I think I made it worse. "What? Do I look like I'm a kid?" he asked, irritated. Agad nawala 'yung ngiti sa labi ko at dahan-dahang ibinaba ang bag. "Pero.. these are your favorite—" "That was ages ago, Kiss. Haven't you grow up yet?" He shook his head, "I'm wasting my time, I'm leaving." Eto na naman. The pain. Nandito na naman siya. Another rejection. I am sick and tired like this. Lagi na lang binabalewala. I thought he said na I shouldn't give up. Pero he's giving me reasons to give up. Anong gagawin ko? I'm losing hope. 8 years kong tiniis ang hindi niya pamamansin sa akin. But still, I stayed. Nandito pa rin naman ako 'di ba? Pero bakit gano'n? Everytime he would cause me pain, siya rin ang magtatanggal nito. Kakaalis niya lang ng bahay namin, ako naman sinusubukan kong h'wag umiyak. I've encountered much painful times than this. Like 'yung nakalimutan niya 'kong sunduin from a party and I have to walk home dahil wala akong kahit anong masasakyan. 'Yung time na he brought a girl in his house, akala ko sila na, dahil sa sweet gestures nila. I think I even remembered them kiss. Marami pa eh. Bumalik siya sa bahay, gano'n pa rin ang facial expression niya sa huli kong kita sa kan'ya. Tuloy-tuloy lang siya, nilagpasan niya ako and then kinuha niya 'yung bag ng gummy bears. Bago muling lumabas ng bahay he looked at me, nodded and left. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. After ng ginawa niya, I felt happy. Gumaan ang pakiramdam ko. Him taking the bag was like he's accepting my apology and the nod meant he's sorry dahil sa nangyari kanina. Para siyang isang problem na hindi ko ma-solve. I've known him for years, pero hindi ko pa pala siya lubusang nakikilala. I've only liked him for what? His looks? The way his coffee brown eyes would stare right into your soul. The way his hair would stick up in a messy way as possible.  The way he would smile, not at me, genuinely at other people. Kailan niya kaya maipapakita sa akin? When can he return my feelings? Gustong-gusto ko na siya abutin. At doon lang pumasok sa isip ko. Bakit nga ba ayaw niya akong pansinin? Why wouldn't he take a second glance at me? Bakit sa iba, pwede? I was easy to get.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD