[5]

2338 Words
All this time, Charles was used to me following him around. 8 years ba naman. I needed something that would catch his attention, that would mean, I should have discipline. Let's see if this plan would work. I should stop chasing him. 8 years ko na 'yon ginagawa. Anong resulta? Nothing. No progresses, no nothing. At ang unang plano ko ay, stop following him. Easy as pie, right? Wrong. Mahirap. Nakagawian ko na. Tingin ko nga hindi mabubuo ang araw ko kung hindi ko alam kung nasa'n siya eh. Pero I wanted to get his attention 'di ba? Would he notice? Or would he just simply be happy that I was not trailing behind him? That day, hindi ako sumabay sa kanila ni Ruby papuntang school. Goal ko, dapat hindi ko siya makita, kahit isang beses, ngayong araw. Dapat hindi na rin ako masanay sa presence niya. Posible ba 'yon? I wouldn't know if I wouldn't try.. Tumawag si Ruby sa cellphone ko. Nauna kasi akong umalis kaysa sa kanila kaya siguradong nagtataka 'yun. Alam niya kasing lagi akong excited na ihahatid kami ni Charles papuntang school. Sabi ko, may kailangan kasi akong tapusin kaya I need to head to school earlier. Sakto ring may dumaan na jeep kaya pinara ko at sumakay sa harap, tabi ng driver. After a few minutes driving, may sumakay rin na isa pang babae sa tabi ko. Biglang tumunog na naman ang cellphone ko. Sure enough it was Ruby again. "Hello?" medyo inis kong bati. "Ate, sure ka ba? Nandito pa rin kami sa bahay. Baka pwede ka naming sunduin kung nasaan ka man ngayon?" nag-aalalang sabi ni Ruby. "Yes I'm sure. Don't worry, malakas 'tong si ate remember? Sige na, have fun with.. him na lang for me. Bye!" Agad kong binaba at bumuntong-hininga na lang. Nakakapanibago na para bang binibigay ko na si Charles sa kapatid ko by leaving them together. Ruby was used na kami ang lagi niyang iniiwan para kami ang magkasama. Hindi naman nagco-complain si Charles and I have no problem about it. Pero wala ring nangyayari between sa'min, kasi he will keep quiet and make himself busy, basta hindi lang  niya ako makausap. Nang makita kong papalapit na kami sa school, pumara na din ako agad. Bago pa 'ko makapwesto sa pagbaba, hinablot nung ateng katabi ko 'yung cellphone ko at agad itong itinakbo. "Oh my god, manong! 'Yung cellphone ko hinablot!" tarantang sabi ko. "Anong gusto mong gawin ko miss? Driver ako, hindi runner. Sige na, bumaba ka na." Inis! Ang sarap sipain ni manong driver! Napakasungit! Nakita kong hindi pa nakakalayo si ate dahil medyo mabagal kaya nais ko sanang habulin kaso may nakabungguan ako. Napapikit ako dahil sa pwersa at pagdilat ko, wala na 'yung ate sa paningin ko. "Argh! Kainis naman oh!" Nag-iinarte lang ako doon. Natandaan ko namang may nakabungguan ako na may kasalanan kung bakit hindi ko nahabol 'yung magnanakaw. "Kiss?" takang tanong niya. Na-recognize naman niya ako agad, "Anong nangyari sa'yo?" Si Luke. Siya ang nakabungguan ko. Malas nga naman oh! "'Yung cellphone ko nanakaw! Hahabulin ko na sana kaso humarang ka naman!" inis kong sabi. "Hindi ko kasalanan 'yun. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo," sabi niya at tinaas pa ang dalawa niyang kamay. I groaned. Paano na 'to? Doon naka-save lahat ng contacts ng classmates pati relatives ko. Nando'n rin lahat ng stolen pictures ni Charles! Baka mamaya, tawagan pa ni Ruby ang cellphone na 'yon! She'll worry if she finds out the phone was stolen! Baka kung ano-ano pa sabihin ng magnanakaw. Baka sabihing hostage nila ako at humingi pa ng ransom. Knowing Ruby, she'll believe everything she hears. "Pa'no 'yan, Luke? Baka tumawag si Ruby doon!" natataranta kong sabi. While I was panicking, he fished out his own cellphone and handed it to me. "Tawagan mo na siya. Ipaalam mo na agad. Tingin ko magfe-freak out rin siya kagaya mo 'pag iba ang narinig niyang sumagot sa phone mo." Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang phone niya and dialled. "Hey, hindi ako nagfe-freak out. Nagpa-panic ako," I pointed out habang nagri-ring 'yung phone. He shrugged and muttered, "Same thing." "Hello? Sino 'to?" nagtatakang sagot ni Ruby from the other line. "Ruby, this is Kiss. Nanakaw 'yung cellphone ko. Don't freak out," I glanced at Luke bago ipagpatuloy, "Okay lang ako. And yeah, I didn't get my phone back. 'Yun lang. I think I'll need to buy a new phone." Binaba ko na ang phone bago pa siya makapagsalita. I don't need to hear her ask infinite questions. "Thanks—" "You know what, pwede mo munang hiramin 'yan," putol niya sa'kin. "Huh?" "The phone. Hindi ko naman madalas gamitin. May load naman siya pero wala naman akong ka-text. Ikaw muna humawak hanggang kailangan mo. Mamaya, baka kailangan mong tawagan si Ruby tapos wala kang phone." I blinked thrice. "Luke? Ikaw ba 'yan? Anong sumapi sa'yo?" Tinitigan niya pa ako ng matalim kaya napatawa ako. "Okay, sorry. Sige, thanks. Hindi naman ako tumatanggi 'pag ganito na." Napailing na lamang siya sa akin. "Ibang klase. Sige na, mauna na 'ko." I know I don't need the phone. Hindi ko naman kailangan si Ruby eh. But I spoke too soon. Luke was right. Kinailangan ko ngang tawagan si Ruby. Buti na lang talaga pinahiram niya sa'kin ang phone niya.   Apat na babae. Familiar? Yes, of course. Nasa tapat ako ng girl's bathroom, kakatapos ko lang mag-cr, nang nakita kong papadaan sa gawi ko si Charles. Nice timing. Kainis. Malapit na akong ma-late sa next class ko pero ang nasa isip ko lang ngayon ay 'wag magpakita kay Charles. Pumasok ulit ako sa banyo at sa isa pang cubicle kasi mukhang nakita niya ako. Nagtama paningin namin pero 'di ko alam kung napansin niya bang ako 'yun o hinde. Baka kasi pasukin niya ang banyo kaya para sure, I hid in another stall. Nakarinig ako ng boses sa labas ng stall. Actually, alam kong may tao nung pumasok ako ng cr. Hindi ko nga lang sila namukhaan. But now, I think I knew. "OMG! Si Charles nasa labas! Tara!" rinig kong sabi ng isang boses. Nairita ako agad. Ang alam ko, napagsabihan ko na sila. Bakit pinagpapantasyahan pa rin nila ang Charles ko? "May napansin ba kayo, girls? Mukhang walang lintang nakadikit sa kan'ya ngayon ah?" At tagalang nilakasan niya ang salitang 'linta'. "Ayaw mo no'n, masosolo natin si Charles?" Nahagikgikan sila at doon ay gustong-gusto ko silang sugurin. Mas malala pa pala sila kaysa sa'kin. Baka mamaya, ini-stalk nila si Charles. In my case, I was just following him. Hindi 'yung tipong 'di niya alam na sumusunod ka talaga sa lahat ng pinupuntahan niya. "Tara na! Baka makaalis pa siya!" Nagtatawanan pa sila bago ko marinig ang pagsarado ng pintuan. Kaso, hindi lang 'yon, may kasunod pa eh. Nilock nila ang pintuan mula sa labas. Dahil sa panic, lumabas agad ako sa stall at tinignan ang pinto. Sure enough, I was locked in. Mga peste talaga 'yung mga 'yon sa buhay ko! Kumatok muna ako ng malakas and nagsisigaw. I need to attract attention. "Help! Help me! Tulong please!" Kaso, 10 minutes na ata akong nagsisigaw kaso wala pa rin. Of course, classes have already started. Siguradong walang tao sa hallway. Malayo pa naman ang c.r. sa classrooms. This is unbelievable. And 'yun nga, naalala ko 'yung cellphone na ibinigay ni Luke. Nilabas ko ito at nagsimulang i-dial ang cellphone ni Ruby. Ang alam ko, lunch time nila ngayon. Mas maagang mag-lunch ang lower years kaysa sa'min. "Hello?" Sa wakas, nasagot niya na rin. I needed to get back to my class, pagagalitan ako ni mom if she finds out I've been cutting classes. At tsaka, hindi naman ito sadya eh. "Ruby, this is Kiss! I need hel—" Hindi na ako natapos sa pagsasalita dahil biglang nag-beep ng dalawang beses 'yung phone. Tinignan ko ito at kumunot ang noo. Nice. Really nice. May load nga 'yung phone, dead batt naman. Anong silbi? Ugh, Luke! Pa'no na 'yan? Wala ng option 1! Wala pang option 2! Option 3, then? I should wait until somebody enters the bathroom. I'm sure someone is bound to go to the bathroom to do Thing 1 or Thing 2. Or sana may matagusan para nagmamadali siya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang tagal. *** "Ate? Ate!" Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. "Ruby.." "Ate, gabi na! Bakit ka nandito sa cr? May nag-lock ba sa'yo dito? Ate naman eh!" Halata ang concern and worry niya sa kan'yang mukha habang pinagmamasdan ako. Ngumiti na lang ako ng tipid at napansing madilim na ang paligid. "What? Gabi na?" gulat kong tanong at dahil doon ay tumayo ako agad-agad. "Yeah, at kanina ka pa namin hinahanap. Bakit ka nandito?" tanong niya ulit. "May nag-lock sa'kin dito," She looked horrified, pero bago pa siya nakapagsalita, inunahan ko na, "Bakit gano'n? Walang pumapasok sa cr na 'to? Naghihintay ako na may magbukas." "Eh kasi, akala nga nila locked, so doon sila sa kabilang bathroom nagpupunta. May nakalagay kasi na paper na nakasulat 'Don't Open'," malungkot na sabi niya. Pinagpag ko ang damit ko at nagmartsa na palabas. "Tara na. Uwi na tayo. Hintayin mo lang ako, kukunin ko lang ang bag ko," malamig kong sabi. Ang kapal ng mukha ng mga 'yon. Ayoko namang magpatalo. Kung akala nila, hindi ko sila gagantihan, nagkakamali sila. Napatigil lang ako nang nakita ko si Charles na hawak-hawak ang bag ko at lumapit siya sa'kin. Of course he'd be here. Hindi niya naman papabayaan si Ruby. "Thanks," mahina kong sabi at aabutin na sana ang bag ko pero inilayo niya ito sa akin. "No. I'm carrying this," sabi niya at nilagpasan ako. "Ay hindi! 'Wag na! Hehe, ako na talaga. Promise. Ayoko namang mabigatan ka pa sa bag ko," sabi ko at sinubukan ulit abutin. "Stop. I told you, I'll carry it. It's fine." Kailangan niya pa akong titigan ng matalim para tumigil. Nang papalapit na kami sa car, biglang sabi ni Ruby na may naiwan siya sa classroom nila at kukunin niya lang saglit. So she decided to leave both of us, waiting. Tahimik lang kaming dalawa ni Charles. Parehas kaming nakasandal sa kotse niya. "Uhh.. kumain ka na ba?" tanong ko. Then tumingin siya sa'kin like I was crazy, nakataas ang isa niyang kilay. "What did you say?" "Kung kumain ka na b—" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. "I can't believe you. You've been locked in that room for hours and now you're asking me if I already ate? I was expecting you were looking for food, because if I'm correct, you didn't have lunch yet. And yet I'm still your first priority." Natahimik ako sa sinabi niya. Nang binanggit niyang hindi pa 'ko kumakain, doon lang tumunog ang tiyan ko. Doon ko lang napansin na gutom na pala ako. "Tell me, why me? Why waste your time on me when you can spend your time with yourself? This is frustrating. Please, look after yourself first, Kiss, before you start worrying about other people. Because I'm perfectly fine. If you won't take care of yourself," Napatingin ako sa kan'ya, "Then I most likely will." Kailangan ko pang kagatin ang labi ko para hindi niya makita ang ngiting gustong tumakas mula sa bibig ko. Ngayon lang siya nagsalita ng ganito kahaba. I guess hindi na niya napigilan. Tumunog naman ang cellphone niya, siguradong si Ruby 'yon. Napatingin siya sa akin habang nagpapaalam na kay Ruby. "She rode home by herself. Let's go." Sumakay na ako sa kotse niya, sa front seat. This is actually my second time to sit in front. Lagi kasing si Ruby ang nandito. Lagi kasi silang dalawa lang ang nag-uusap. First time ko is 'yung nagkasakit si Ruby. Alam ko namang ayaw ni Charles 'pag walang umuupo sa front seat, kaya doon ako umupo no'ng araw na 'yon. Akala ko sa bahay na kami didiretso, pero nagulat ako nang bigla kaming kumanan. "Sa'n tayo pupunta?" tanong ko agad. "To eat. You haven't eaten yet," maikling sagot niya. Tahimik na naman kami sa loob ng kotse niya. Gusto kong magsalita, kaso hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "By the way, we have another project. It's by partners. We're assigned to each other." "Huh? Anong subject? Anong gagawin?" "TLE class. We have to make any desserts that we learned from the class. It can range from any flavors, as long as it's edible. How we present our work is the grade we get. Ma'am said it's okay if it doesn't taste okay, as long as it looks presentable." Anong klaseng project 'yan? But okay, as long as magkasama kami ni Charles. I'll agree. Doon ko lang napansin na napatigil kami sa harap ng Jollibee. Napanguso na lang ako at tumingin sa kan'ya. Napataas naman ang kilay niya. "What? It's the only fast food chain I saw that's open late this night." "You're such a kid. Favorite mo lang kasi ang Jollibee eh. I remember the time 'yung dumating 'yung mascot tapos sumampa ka sa likod. Kailangan ka pang patulugin para alisin ka doon," natatawang sabi ko. "Hey, don't bring that up. I already convinced myself it was a bad dream," nakasimangot niyang sabi. Lumabas na siyang kotse at sumunod naman ako. I ordered only spaghetti and fries at hinayaan ko na lang si Charles doon sa counter. Alam ko kasing matatagalan pa siya since iisa-isahin niya pa ang mga paborito niyang meals. And I was right. Mukhang siya ata ang hindi kumain kanina since his food is twice as mine. "Matakaw ka, Charles Aldridge." I scrunched my nose in disgust para ma-annoy ko siya. He shrugged, "But you like me. You're a weird girl." He is starting to notice me. Nangyari na ang gusto kong mangyari. Nagkakausap na kami ng matino. I know the secret. Ayaw na ayaw ng lalaki na pinapahalata ng babae na gusto mo sila. Well, it worked for me. Sana, this is the start. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD