"Kiss! Kiss! Narinig ko ang nangyari kahapon? Anong nangyari?"
Napatingin ako kay Luke na nagmamadaling lumalapit sa'kin. Nakasabit ang kan'yang backpack sa isang braso at nakabukas pa ang tatlong butones ng polo niya. Agad kumunot ang noo ko nang sinalubong niya 'ko.
"Kiss—"
"Hindi nakaayos damit mo," putol ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kan'ya at ako na lang ang nag-butones ng damit niya. Nang naayos ko na ang isa, doon ko lang napansin na sobrang weird ng ginagawa ko ngayon. Napatigil ako at tumingala sa kan'ya na gulat ang ekspresyon habang nakatingin sa akin.
"S-sorry, ganito kasi ako palagi. Ang dugyot mo kasing tignan," sabi ko at ibinaba ang dalawang kamay ko sa gilid ng katawan ko. Oh god, nakakahiya. Bakit ko ginawa 'yun?
Nang tumawa siya ay unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. "Hindi! Okay lang 'yun. Actually, nagmamadali kasi akong umalis kanina kaya hindi ako nakapagbihis ng maayos," nakangiti niyang sabi.
"Bakit ka kasi nagmamadali?" Sinusubukan ko na lang na tumitig sa mata niya para ipakitang wala lang para sa'kin 'yung nangyari kanina.
"Ikaw kasi eh. Nang narinig ko 'yung nangyari sa'yo kahapon, parang automatic na gusto kitang makita agad. Ano, okay ka lang ba? Muntikan ka na daw mag-overnight ah?"
Concern siya? At sinabi niya pang gusto niya akong makita agad. Ano sa tingin niya nararamdaman ko ngayon? Mas lumala tuloy ang hiya ko. Ni hindi na rin ako makatingin sa kan'ya.
"Ah 'yung nangyari kahapon? Wala lang 'yun. Na-lock kasi ako sa bathroom—"
"Sino?" putol niya. Napalingon ako sa kan'ya. "Huh?"
"Sino 'yung nag-lock sa'yo sa bathroom?" Lolokohin ko sana siya kaso nakita ko ang seryoso niyang mukha.
"Ah wala 'yun." Ako ng bahala sa mga babaeng 'yun. Kaya ko sila.
"Teka, alam ko 'yang mukhang 'yan," Bigla siyang napangiti sa akin, "May pinaplano ka noh? Sama mo 'ko! Willing akong tulungan ka!"
Nagulat ako sa sinabi niya. "Huh?" Pa'no niya nalaman? Bakit parang kilala na niya ako?
"'Wag mo 'kong maloko, alam ko 'yang mukhang 'yan. Oh ano, in ako sa plano mo ha?" Hindi ko alam kung paano niya nalaman na may plano ako, pero kung willing naman siyang tumulong, sige ba? I'm not gonna do anything serious. This will just be a warning for them. Sa susunod na gawin nila ulit 'to sa'kin, mas malala ang gagawin ko.
***
"Have you heard? May naririnig daw silang sigaw mula sa lumang classroom sa school natin. 'Yung inabandona? Takot na takot nga daw 'yung mga nakarinig kaya iniiwasan na nila 'yun eh."
Napangiti ako ng palihim nang marinig ko ang pag-uusap ng mga estudyante. Kalat na kalat na, kaya mas lalong dumadami ang mga taong ayaw pumunta sa parte ng school na 'yon. Ibig sabihin, walang magtatangkang pagbuksan ang mga iyon. Unless may mga feeling brave na gustong mag-adventure. Pero naasikaso na ni Luke 'yon.
"Ate! Ate! Narinig mo 'yung rumor na may multo daw? Tara punta tayo!" masiyahing sabi ni Ruby nang nagkasalubong kami. Oh right, mahilig kasi sa horror 'tong si Ruby. Mahilig takutin ang sarili niya, sabi niya kasi 'face your fears'.
"Walang multo, Ruby. Naalala mo 'yung kahapon?" I gave her a pointed look. Patuloy lang kami sa paglalakad sa corridor hanggang sa makapunta kami ng canteen.
Mukhang napaisip pa siya bago, "Oh right. So, ginantihan mo sila?" nag-aalalang tanong niya. Napatango na lang ako.
"Pero ate, paano kung nalaman nilang ikaw ang gumawa no'n? Baka gantihan ka nila!"
"Edi gagantihan ko ulit. Problema ba 'yun?" sagot ko. Kung 'di sila magpapatalo, mas lalong hindi ako magpapatalo.
Natahimik siya sandali bago magtanong na naman. "Ano bang ginawa mo? Paano sila napunta doon? Ang alam ko kasi, bawal na doon eh."
"May iniwan akong papel sa bawat locker nila. Nakasulat, 'Meet me in the research lab in 10 minutes. I'll be waiting. –Charles'. Eto namang pangalan ni Charles, parang magnet kasi 5 minutes later, nandoon na sila. Hindi sila sabay-sabay na pumasok kaya isa-isa silang na-lock. Remember na sira ang pintuan ng research lab? You can't open it from the inside," mahaba kong kwento at tsaka inilapag sa table ang dala-dala kong lunch.
"Grabe! So ni-lock mo rin sila gaya ng pag-lock nila sa'yo? It seems fair. Akala ko ipapapatay mo na sila eh," pabirong sabi niya.
"Actually, 'yun 'yong plano ni Luke, kaso mabait ako eh." I faked a smile at tsaka inilabas ang lalagyan ng pagkain ni Charles. Tumayo na 'ko at lumapit sa table nila. As always, kasama na naman niya ang barkada niyang puno ng lalaki. Nagtatawanan silang lahat at masayang nagkwe-kwentuhan.
Nakakalungkot, si Charles kasi kaya niyang maging madaldal sa ibang tao. Samantalang sa'kin, halos wala. Buti na nga lang at nagkausap kami kagabi eh. May progress naman kahit papaano ang relationship namin. May 2% chance na akong maikakasal kaming dalawa.
"Uhm.." Hindi ako napapansin ni Charles dahil may kausap siya. Napatigil lang siya nang siniko siya ng katabi niya.
Tinatago ko ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya. Napapansin kong 'di na siya bumibili sa counter ng pagkain niya. Hinahantay niya kaya ang mga luto ko? Sana, oo.
"Hey pretty lady," masayang bati sa'kin ng isa sa mga kasama niya. Napatigil ako at napatingin sa kan'ya. Sinong kausap niya? 'Wag mong sabihing ako?
"Ikaw nga. Lagi kitang napapansin, bakit si Charles lang ang nilulutuan mo ng lunch? Pa'no naman ako? Lutuan mo rin ako, please?" Tinaasan ko siya ng kilay. Pa-cute at feeling close? Kilala ko ba 'to? Bwiset.
"Sorry, 'di kita kilala," sabi ko at lumingon ulit kay Charles. Naabutan ko siyang nakatitig ng matalim doon sa lalaking 'yon.
"Kung gano'n, I'm Javier," patuloy niya at kumindat pa sa'kin.
"Charles oh. Alis na ako, I'm gonna eat pa," I said, ignoring the guy na nagpapacute sa'kin. Kinuha naman iyon ni Charles.
"Boom panes ka, dude! Loyal 'yan kay Charles! Stop flirting! Lagot ka pa kay Charles niyan!" sabi sa kan'ya ng isa sa mga kaibigan nila.
Napatingin ulit ako sa kan'ya at nakita ko siyang ngumiti sa'kin. Hindi ko na napigilan at inirapan ko na siya, turning and walking away from him at pabalik sa table kung saan nakaupo si Ruby.
Narinig ko pa ang tawanan nila hanggang sa nakabalik ako sa table.
"Improvement, ate ah. Tinatanggap na ni Charles ang mga luto mo," amazed na sabi ni Ruby.
Napangiti na lang ako. Charles, makukuha rin kita.
***
Nagmamadali akong tumakbo palabas ng school habang hawak-hawak ang bag ko at mga libro ko. Gabing-gabi na. Nakatulog kasi ako sa library habang nagbabasa at nagising na lang nang tinapik ako ng librarian.
Sigurado akong umuwi na si Charles ngayon. May family dinner ata sila kaya kailangan nasa bahay na siya. At sigurado rin akong naihatid na niya pauwi si Ruby.
Naghintay na lang ako ng jeep sa tapat ng gate. Habang naghihintay, nakarinig ako ng mga yapak papalapit sa'kin. Hindi ko pinansin dahil may nakita akong dumaan na jeep, kaso lang puno. Napasimangot na lang ako at naghintay ulit.
"Oh, bakit ngayon ka lang uuwi?" Napatalon ako nang may narinig akong nagsalita. Tinitigan ko ng matalim si Luke na ngayo'y nakangiting-aso habang nakatingin sa'kin.
"Nakatulog ako. Ikaw?"
"Inasikaso ko 'yung mga nakakulong."
"Ay oo nga pala, anyare sa kanila?"
"Ayon nakatulog na ata sa loob. Wala na 'kong naririnig eh. Iniwan ko na lang bukas ang pintuan kung sakaling magising sila." Halatang natatawa siya sa ginawa niya. Buti nga at nag-decide siyang tulungan ako, kundi baka hindi ko na sila pinaalis doon sa kwartong 'yon. Mabulok na sana sila doon.
May dumaan na naman na jeep kaso punuan ulit. "Ano ba 'yan, puro punuan naman. Kailangan ko ng makauwi, pagagalitan ako," angal ko.
"Sige, ako ng bahala," narinig kong sabi niya.
Puno na naman ang sumunod na jeep na dumaan pero pinara niya ito. Nagulat na lang ako nang sumabit siya sa may pintuan. "Ano, tara na!" aya niya sa'kin.
Tinitigan ko lang siya na para bang baliw na siya. "May sayad ka ba? Hahayaan mo 'kong sumabit? Baka mahulog ako!"
Ngumiti siya sa'kin, "Hindi 'yan. Sabing ako na bahala 'di ba?" Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa'kin, pero sumunod ako sa kan'ya. Sumabit rin ako at hinawakan ang mga pwede kong hawakan para 'di ako mahulog.
Nung biglang umandar na ang jeep, muntikan pa 'kong mapabitaw pero naramdaman ko agad na may bumalot na braso sa beywang ko. Napatingin ako kay Luke kaso nakita ko siyang nakatingin sa harap.
Napakagat na lang ako ng labi at yumuko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nakukuryente ako sa hawak niya. Pero dahil doon, hindi ako mahuhulog.
Hindi ako mahuhulog dahil pinipigilan niya 'ko.
Hindi ko alam kung kanino ko sinasabi ang mga iyon, kung sa kan'ya ba, o sa sarili ko.
Pero imposible namang magkagusto ako sa kan'ya. I can't like two persons at the same time. That would be unfair. At isa pa, bakit ko ba 'to iniisip? Wala kang gusto sa kan'ya, Kiss. It's just the spur of the moment. Nagpapadala ka lang.
Nang makababa na kami sa jeep, feeling ko lumulutang ako. Hindi talaga ako sanay na sumasabit. First time kong gawin 'yun since 'di naman makababae ang pagsabit sa jeep, pero ang pesteng 'to, pinasubok pa sa'kin.
"Walangya ka! Alam mo ba kung gaano ako kinakabahan t'wing aandar ang jeep?" inis kong tanong sa kan'ya. Napatawa naman siya sa'kin.
"At least nasubukan mo 'di ba? May ipagyayabang ka na."
"Ulol. Bakit ko ipagyayabang na nakasabit ako sa jeep? Sino bang matutuwa doon?"
"Edi ipagyabang mo na lang na kasama mo 'ko," singit niya at kumindat pa sa'kin.
Hay nako, Kiss. Ang ganda mo talaga. Daming nahuhumaling sa'yo. Kaso nga lang, 'yung taong kinahuhumalingan mo, hindi ka naman pinapansin.
"Ewan ko sa'yo. O sige, bye na." Kumaway ako kahit na nakatalikod na 'ko sa kan'ya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
Mapapangiti na sana ako kaso nagulat ako sa nadatnan ko sa bahay. "Charles? Bakit ka nandito? 'Di ba may family dinner kayo?" takang tanong ko.
Tumuloy ako sa loob at sinarado ang pintuan. Ibinaba ko rin ang bag ko sa sofa at tsaka lumapit sa kan'ya.
Iritado ang ekspresyon niya sa mukha. May problema ba siya? "I was supposed to, but I waited for like, two hours for you. You didn't show up after classes so I drove home after waiting. But still, you weren't home. Where have you been?"
I blinked thrice bago ko ma-process. "Teka, akala ko umuwi ka ng maaga? 'Di ba scheduled na 'yung—"
"Kasi nga inantay kita!" putol niya. Napanganga na lang ako dahil bigla siyang nagtagalog.
"I know that you knew that I always drive you home. I can't possibly skip out on this one even though I have much more important things to do. I thought you'll wait for me, even if you know that I won't show up."
Kilala na niya 'ko. Hindi ako pumapayag na hindi si Charles ang maghahatid sa'kin pauwi.
"Sorry, nakatulog ako kanina. Paglabas ko ng school, wala ka na. Alam ko talaga nasa bahay ka na."
Pinanood ko lang siya na guluhin ang buhok niya while looking frustrated. "Sorry talaga. Don't worry, next time, I'll really wait for you," sabi ko at mahinang idinugtong ang, "Kahit 'di ka pa dadating.."