"Tulungan mo naman ako dito ate! 'Di ko alam kung pa'no eh," angal ni Ruby nang nanonood ako ng paborito kong teleserye. Kaming dalawa lang ang tao dito sa bahay, umalis sila mommy at daddy sa probinsya nila. May fiesta ata. Bawal naman kaming sumama since may pasok pa kami.
"Huh? Bakit sa'kin ka magpapaturo? 'Di naman ako kagalingan eh," sagot ko nang hindi tumitingin sa kan'ya. Narinig ko ang pagmamaktol niya.
"Eh! Ate naman eh! Dali na, please? Tsaka, anong 'di kagalingan? Eh ikaw nga ang pinakamatalino sa klase niyo eh!" Napangisi na lang ako. Flattering doesn't change my mind, Ruby. Alam niya na hindi umubra sa'kin ang plano niya kaya nagsalita na naman siya. "Please ate? Kung tutulungan mo 'ko, mag-aarrange ako ng date niyo ni Charles."
At doon niya nakuha ang atensyon ko. "Huh? Pakiulit?" Paglingon ko sa kan'ya, malaki ang ngiti niya sa'kin, ngiting tagumpay.
***
"Dali na, ate! Ite-text mo lang naman eh. Tanong mo lang kung saan at kailan. 'Wag ka ng mahiya!" pangungulit ni Ruby. Nakausap na niya kanina si Charles at papayag daw si Charles 'pag ako ang makakausap niya.
"Text? Edi ba kailangan niya 'kong kausapin? Edi dapat tatawagan ko."
"Oo na, oo na ate. Basta makausap mo lang siya, masaya na 'ko. Kung gusto mo, punta tayo doon sa kanila para in personal kayong magkausap," pananakot niya. Pinaalis ko na siya sa kwarto ko dahil sumang-ayon na 'ko sa plano niya.
Napakagat na lang ako ng labi habang tina-type sa cellphone ang number niyang saulo ko na, pero ni minsan ay 'di ko pa nagagamit.
Nagdadalawang-isip pa 'ko kung pipindutin ko ang call button, baka mamaya kasi napilitan lang pala siya. Ayoko namang pilitin siya. Pinipilit ko na ngang gumawa ng paraan para mapansin niya ako eh. Gumana naman ang plan A ko.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag-ring. Hala, number 'to ni Charles ah? Siya na ang tumawag sa'kin?
Wala sa sariling pinindot ko ang answer kaya nang itinapat ko na ang cellphone ko sa tainga ko, wala akong masabi. Narinig ko naman ang hininga niya sa kabilang linya.
Walang nagsalita sa aming dalawa, pilit pinapakiramdaman ang isa't isa. Pagkatapos ng ilang segundo, "Well? Ruby said you needed to talk to me about something." Huminga ako ng malalim nang marinig ko na ang boses niya. Akala ko ba sinabi na ni Ruby? Eh bakit parang 'di alam ni Charles?
"Uh.. ahm.." Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kan'ya ang gusto kong sabihin.
"What?" inis niyang tanong. Hala, natagalan siguro siya. Ano ba? Yayayain ko ba? Siguro 'wag na. Hindi normal na ang girls ang magtatanong sa guy to ask him out.
"Uh, wala. Hehe, kakamustahin ka lang sana. Kumain ka na ba?" I finally said. Tumahimik ang kabilang linya na para bang 'di inaasahan ang sasabihin ko.
"Yes, I just finished eating. How 'bout you?" Automatic na dumapo ang kamay ko sa tiyan ko.
"Hindi pa. Wala kasi sila mommy, baka oorder na lang kami ng food," sabi ko.
"What? Wait, don't order anything. I'm hanging up." Bago pa 'ko makapagsalita, narinig ko na ang pagbaba niya ng telepono. Anong ibig niyang sabihing 'wag kaming mag-order? Edi anong kakainin namin?
5 minutes later, narinig ko ang doorbell namin. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba at gulat nang nakita si Charles.
"Oh Charles! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ruby dahil gulat din siyang makita siya dito.
Napatingin siya sa'kin. "Well it looks like your sister is lazy and won't cook dinner. I'm here to cook for you," sabi niya at ngumiti kay Ruby. Narinig ko naman ang palakpak ni Ruby.
Natulala ako. Bakit kailangan niya pang pumunta dito? And hindi ko naman kasalanan kung tinamaan ako ng katamaran eh.
Pero si Charles? Magluluto? Sa pagkakaalam ko, hindi siya marunong. So bakit niya kami ipagluluto?
Napangisi na lang ako sa sarili ko. Kahit na. Si Charles 'yan eh. Kahit sunog pa ang luto niya, kakainin ko pa rin. Para lang hindi masayang ang niluto niya.
Tatlumpong-minuto rin kaming naghintay sa may living room dahil ayaw ni Charles na maistorbo 'daw' siya. Eto namang si Ruby, kanina pa gutom, kanina pa rin nag-iingay.
"Patay-gutom," mahina kong sabi. Gulat ko na lang nang narinig niya pala ito.
"Ako? Patay-gutom? Sexy naman," ngumiti siya sa'kin.
"Ikaw? Sexy? Payat payat mo nga eh. Wala kang curve," asar ko naman pabalik.
"Bakit, ikaw ba meron?" Alam kong walang kwenta 'yung pag-aaway namin, pero ito na lang siguro ang distraction namin para maalis sa isip namin na gutom na talaga kami.
"Dinner's ready!" Agad kaming napatayo, at parang mga asong 'di kumakain ng tatlong araw, tumakbo kami papunta sa dining area.
Napanganga na lang ako nang makitang nakapagluto si Charles ng Pinakbet. Eto ang paboritong ulam ni Ruby at pangalawang paboritong ulam ko naman.
"Wow! Sarap naman!" Napanguso na lang ako dahil mukhang maglalaway na si Ruby. Siya ang naunang umupo at nagsandok ng kanin niya.
Umupo sa tabi ko si Charles at nginitian ko naman siya. "Improving ah! Very good!" Napangiti rin siya pabalik sa'kin.
"Kailan ka pa natutong magluto?" sabi ko habang nagsasandok na rin ng kanin ko.
"Nung summer, I took lessons. I don't want to live alone with pizza and takeouts as breakfast, lunch and dinner. I have to learn how to cook."
"Tapos eto naman akong nagdadala pa ng pagkain mo sa school, when mas magaling ka pa palang magluto sa'kin." Sumubo na 'ko at napangiti na lamang. Medyo matabang ang lasa pero para sa'kin, sobrang sarap ng luto niya.
"I'd rather you cook my lunch," mahinang bulong niya, pero narinig ko naman. Doon ko naramdaman ang pangingiliti sa tiyan ko at ang pagbilis ng pulso ko.
"Talaga? Bakit naman? Hindi ba masarap ang luto sa canteen?" pang-aasar ko. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa'kin. 'Di niya pala inaasahang maririnig ko 'yun.
Sinubukan niyang ikunot ang noo niya to hide his amused face. "It's better than yours, tho," sabi niya na para bang binabawi ang una niyang sinabi.
***
"May gagawin pa pala ako! Kayo na bahala diyan! Sorry, ate. Bukas, ako na lang ang maghuhugas ng pinggan!" nagmamadaling sabi ni Ruby habang umaakyat papuntang kwarto niya.
Paglingon ko kay Charles, nagulat ako dahil isa-isa na niyang inilalagay ang mga pinggan sa lababo. "Uh, Charles. Ako na diyan," sabi ko at akmang kukuhain ang mga pinggan sa kamay niya ngunit inilayo niya ito.
"No. I'll help you," mariin niyang sabi at nilagpasan ako.
"Eh, nakakahiya kasi eh. Ikaw na nga ang nagluto para sa'min, ikaw pa ang maghuhugas ng pinggan. Pramis, ako na bahala diyan," pangungulit ko at binuksan na ang gripo.
"No. Shut up and mind your own business," masungit niyang sabi at hindi na ako pinansin. Tahimik ko na lang siyang tinulungan since alam ko namang kung ano ang gusto niya, 'yun ang masusunod.
Patapos na kaming maghugas nang nagsalita siya, "Is movies okay with you?"
"Huh?" kunot-noong sagot ko. Movies? Anong movies? "Para saan?"
"Ruby said I should take you out more often," mahinang sabi niya. Malaki ang matang napatingin ako sa kan'ya at agad ring umiwas. So, binanggit nga ni Ruby! Kung gano'n, isa sa plano niya ang iwanan kaming dalawa dito.
Naramdaman ko ang pamumula ko. Labag man sa loob niya, still, he's asking for a date! "Y-yeah. Sa'n mo ba gusto? Lalabas tayo or dito na lang sa bahay?"
"You should get out more often. Look at you, you're too pale. It's like the sun never hits you at all," suway niya. Sabi ko nga, lalabas kami. Hindi ko naman kasalanan na ayaw kong lumabas. Mas komportable kasi ako dito sa bahay. Mas masarap tumambay.
I smiled secretly nang may nag-pop na idea sa akin. "Gusto mo bang malaman kung bakit bawal akong lumabas at matamaan ng araw?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kan'ya. Napansin kong napatigil siya sa paghuhugas.
"There's a reason? Are you sick? Are you allergic to the sun rays?" sunod-sunod na tanong niya.
Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya. Iniiwasan kong mapangiti nang makitang gulat siya sa ginawa ko. "Hindi mo ba talaga alam? After all these years..?" Sadyang hininaan ko ang boses ko para lumapit siya sa'kin. And it worked. He leaned in closer para mas marinig ang sinasabi ko.
"May sakit ako, Charles. Malubha na ito. Hindi ko na kaya."
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Halatang tinatago niya ang kaba at takot na nararamdaman niya. "Spill it, lady."
Lumapit ako sa kan'ya hanggang sa katapat na ng bibig ko ang tainga niya. "I'm a vampire.. and I want your blood," bulong ko at pinisil gamit ang isa kong kamay ang leeg niya. Narinig ko naman ang tili niya dahil sa gulat at napaatras ako para tumawa.
Mission accomplished. Hindi ako makatigil sa kakatawa kahit na mukhang alam niya na na niloko ko lang siya. Dahan-dahang naubos ang tawa ko nang makita ko ang galit niyang mukha. Tingin ko nga ay umuusok na ang ilong niya sa galit.
Uh oh. Mission not accomplished.
Napakagat na lang ako sa labi nang makitang nilagpasan niya ako at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas ng bahay. "Charles? Charles! Sorry na oh! Bakit ka ba nagagalit? I was only kidding!" sigaw ko habang sinusundan siya.
"Kidding? Think it was funny? I was worried that you were sick!" sagot niya kahit na nakatalikod pa rin siya sa'kin. Nakarating na kami sa madilim na kalsada pero 'di pa rin siya tumitigil. Kanina pa ako nanghihingi ng sorry pero mukhang ayaw niya naman akong pakinggan.
'Di ko naman alam na magagalit pala siya sa ginawa ko. Hirap palang mag-joke kasama si Charles. He takes everything too seriously. Kaya siguro walang lumalapit diyan kundi ako lang. Pero bakit nakikita ko siyang tumatawa kasama ang ibang tao? Bakit sa'kin, 'di niya magawang matawa man lang sa joke ko?
Napatigil na 'ko sa paglalakad dahil ngayon ko lang napansin na hindi pala ako nakasuot ng sapatos o kahit tsinelas man lang. Hindi rin ako nakapagdala ng jacket kaya nilalamig na ako ngayon. Hahakbang sana ako kaso biglang kumirot ang paa ko. Teka, 'wag mong sabihing nasugatan ako? Hala, paano na ako makakabalik sa bahay?
'Di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang maglakad kahit na mahapdi na ang mga paa ko.
"Kiss? Kiss, ikaw nga! Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah!" Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.
"L-luke, ikaw pala. Bakit ka nandito? Dito ka ba nakatira?" tanong ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa madilim na talaga ang paligid.
"Hindi, bumisita lang ako sa kaibigan ko. Ikaw, bakit ka nasa labas ng bahay niyo? At bakit iika-ika kang maglakad?"
Lumapit siya sa'kin at inalalayan ako. "Ah wala lang 'to."
"Anong wala lang? Tara, iuuwi kita sa i-"
Napabitaw siya sa'kin nang biglang may humila sa kan'ya galing likod. "Stay away," mariing sabi ni Charles. Piniga ang puso ko. Bumalik siya.
"Dude, tumutulong lang ak-"
"I said, stay away!" Napaatras si Luke at doon na kinuha ni Charles ang kamay ko. Hinila niya 'ko papunta sa direksyon ng bahay. Hindi ko na lang pinahalata sa kan'ya na sumasakit ang paa ko habang naglalakad at nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya sa pulso ko.
Napadaing na lang ako nang nagasgas ang paa ko sa sahig.
Napatigil at napalingon si Charles sa akin. Kita ko ang ekspresyon niya dahil saktong tumigil kami sa ilalim ng ilaw. Napabitaw na rin siya sa kamay ko kaya kinuha ko iyon.
Narinig kong napamura siya nang napansin niyang tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko at hinahaplos ko ang pulso ko. "s**t. What the f**k did I do?" bulong niya sa sarili niya.
"Let's get you home," mariin niyang sabi at tinalikuran na 'ko. Kaso napatigil rin siya nang napansin niyang hindi ako sumusunod sa kan'ya.
Bumalik siya at nag-aalala siyang tumingin sa akin, "What? What's the problem?"
Pinunasan ko na lang ang luha ko at umiling. Naglakad ako kaso napapangiwi t'wing humahakbang ako. Narinig ko na naman ang mura niya at bigla niya akong binuhat. Hindi na ako nagsalita nang pumasok ulit kami sa bahay. Ibinaba niya ako sa sofa at doon niya napansin na dumudugo ang paa ko.
"s**t, Kiss. Why did you- ugh!" Ginulo niya ang buhok niya sa inis at umalis sa harapan ko. Bumalik rin siya at dala niya ang first aid kit na galing sa banyo namin.
"O-okay lang ako. Kaya ko pa rin namang maglaka-"
"f**k, you are not okay," galit na galit siya habang sinasabi 'yon, pero napapansin ko na kalmado niyang ginagamot ang mga sugat ko, "This is all my fault. Ever since you're around me, you always get hurt." Lumambot ang ekspresyon niya.
"I want you to stop."
"Stop? Hindi ko kayang tigilan ka, Charles. And mind you, I've always been around you, since we were kids. Nasaktan ba ako noon? Hindi. And don't blame yourself, kasi choice ko 'to. Choice kong masaktan, basta lagi akong nandito para sa'yo."