"Ate? Tulung—" "Matalino ka naman diba? Bakit ka pa nanghihingi ng tulong sa'kin? Kaya mo na 'yan diba?" pagputol ko sa kan'ya. Iritado ko siyang tinignan at tinalikuran muli at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Natahimik siya at muntikan na 'kong konsensyahin sa ginawa ko, kaso bumalik sa isipan ko kung paano niya 'ko tinraydor ng palihim. Napasinghap ako at mas nainis t'wing naalala ko ito. "Ate . . ." "Pwede bang h'wag kang maingay, Ruby? Kita mong busy ako diba? Kanina ka pa ah!" galit na sabi ko at tinignan siya ng masama. Naabutan ko siyang malungkot na nakatingin sa akin. "Ate . . . anong nangyari? Bakit tayo nagkaganito? Bakit ka nagagalit sa akin?" pagmamakaawa niya. Hindi ko na napigilan, ibinato ko sa harapan ko ang binabasa kong libro at nagdadabog na lumabas ng kwarto namin.

