Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa . . . pisngi ko. "Mahal na mahal kita . . ." At naramdaman ko siyang humiwalay sa akin. "Ate!" Napabalikwas ako ng gising nang marinig ko ang sigaw na 'yon. "Ate, male-late ka na naman! Gumising ka na nga!" Napapikit pa ako ng ilang beses at biglang uminit ang pisngi ko nang matandaan ko 'yung panaginip ko. Grabe, hanggang panaginip ba naman, hindi ako matantanan? Napahawak ako sa pisngi ako at bigla akong napangiti ng malawak. "Ate! Ano ba 'yan! Kay aga tapos gan'yan ka makangiti! Ang creepy mo!" angal ni Ruby nang paglabas ko ng kwarto ay nakangiti ako sa kan'ya. "Sorry na, good mood lang. Anong gusto mo, magtaray ako sa'yo?" natatawang sabi ko. Pagkatapos naming kumain ng almusal ay sabay na kaming naglakad p

