[12]

2145 Words

"Ano 'yan?" Pambungad na tanong ni Luke nang makita namin ang isang palumpong ng bulaklak sa upuan ko. Napakunot ako ng noo pero maya-maya'y napangiti rin ako ng palihim. Oo nga pala, si Charles. "Bakit ang daming bulaklak sa upuan mo?" tanong ni Luke at napatingin naman ito sa akin. Agad kong itinago ang ngiti ko at kunwaring nagtataka at naiinis sa mga bulaklak na ito. "Malay ko ba. Kita mo namang parehas lang tayong nagulat. Tsaka tignan mo nga! Nagkalat pa sa upuan ko!" sabi ko. Mukha naman siyang nabunutan ng tinik nang masabi ko 'yun. "Bakit nagseselos ka?" dagdag ko at napatawa. Napansin ko ang pamumula ng tainga niya matapos ko siyang asarin. At doon ko nakumpira. "Hala! May gusto ka sa'kin, Luke? Binata na talaga!" Napahalakhak na naman ako. "Tumigil-tigil ka nga d'yan, Kiss.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD