Author's pov "May kilala akong mga lalaki na pwedeng bayaran para galawin siya," suhestiyon ni Ivory. Ala-seis ng umaga bumyahe na ang dalawa para pumunta sa pinaglagyan kay Diana. "Gahasain siya tulad ng ginawa sa akin? No, hindi ko maatim na babuyin ang katawan ng kung sinong babae kahit si Diana pa. Pahirapan na lang hanggang sa lumuha ng dugo," cool na sabi ni Wincy. "Sabi mo eh, suggestion ko lang naman dahil sabi mo kagabi gusto mong gumanti." "Pusong mamon pa ako kahit papaano kaya hindi ko pa kaya ang ganung kasamaan." Pagdating nila sa lugar naabutan nila si Ayumi na paalis pa lang at bagong ligo. "Dito ka natulog?" Tanong ni Wincy. "Hindi ako umuwi nag-enjoy kasi ako sa pakikipag-usap kay Diana, una na ako dahil susunduin pa ako ni Shawn. Kayo na nag bahala rito at sigur

