Ayumi's pov Last day namin ni Shawn dito sa Island na binili nito. Nag-enjoy naman ako dahil pinakita niya sa akin na disidido siyang makuha ulit ako. Para akong Princesa na umaga pa lang may nakahanda ng almusal na ito mismo ang nagluto. "Good morning-" "Tagalog deretcho," saad ko. Kahapon ko pa ito sinasabihan na magtagalog ng deretcho pag kausap ako, ang cute nga niya. Nuon ng unang maging kami sinabihan ko siya na magtagalog na sa akin pero hindi nito magawa ng walang english kaya ngayon sinabi kong tagalog lang kung ayaw niyang magalit ako sa kanya. Kailangan lang ipaalala sa kanya lagi dahil nakakalimot. "Magandang umaga aking binibini," bati nito kaya napangiti ako. "Pagkatapos mong kumain pupunta tayo sa cave-" "Cave is kweba. Ulit," natatawang sabi ko. "Pupunta tayo maya-ma

