Ivory's pov "Diana Gayle Cruz, 27 years old ang nag-iisang anak ni Don Ramon Cruz na isa sa pinakamayamang businessman sa Cebu. Namatay ang ama nito limang taon na ang nakakaraan at sa kanya pinamana lahat ng ari-ariaan ng mga Cruz, wala itong kinalakihang ina dahil namatay ang ina nito pagkapanganak sa kanya," basa ko sa impormasyon na nakalap ko tungkol sa bagong girlfriend ni Shawn. "Narito siya ngayon sa Manila dahil siya na ang bagong may hawak ng Cruz incorporation. Napakabigatin rin naman pala." Nang makita ko ang babae sa club nagpasya ako na paimbestigahan ito, feel ko lang makilala ang bago na pinalit sa kaibigan kong si Ayumi- sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Gusto ko lang naman makilala ang babae baka pipitsugin lang na pokpok sa club, malay ko bang bigatin pala. "Naks

