Author's pov "Nandito ka pa rin? Iniisip mo pa rin ba na buhay si Ayumi dahil sa anklet na pinadala sa inyo ilang buwan na ang nakakaraan?" "Paano kung-" "Patay na talaga ang kaibigan natin kaya wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Baka nga ang babaeng demonyo ang nagpadala sa inyo 'yun para guluhin ulit ang buhay niyo," singit ni Wincy. "Magtatatlong taon na siyang patay kaya ang gawin natin bigyan siya ng hustisya hindi ang umasang buhay pa siya." Ang anklet ay may design na infinity na si Yves mismo ang nagpagawa at binigay niya iyun kay Ayumi. Alam nitong mula ng binigay niya ang anklet lagi na itong suot ni Ayumi at ni minsan hindi iyun tinanggal kaya ng makuha muli ang anklet ang unang pumasok sa utak nito ay buhay pa si Ayumi. Ilang buwan ng hinahanap ni Yves ang taong nag-iwan

