Ayumi's pov "Flowers for you." "Chocolate para sayo, Ayumi. Pwede ba kitang ligawan?" "Pre, ako ang nauna." "Date me-" "Wait," saad ko sa ilang lalaki na nasa harap ko. Kakapasok ko lang ng gate ng harangin ako ng ilang kalalakihan na may hawak na bulaklak, chocolate, jewelry at teddy bear. "Sa akin ka na lang, ako hindi mo kailangan suyuin tulad ng ginagawa mo sa batang Clemente. Ako ang susuyo sayo araw-araw," sabi ng isang lalaki. Kilala ko siya, nakita ko na siya dati na kasagutan ni Shawn. Ang alam ko matalino, gwapo at sikat dito pero nang dumating si Yves at Shawn nawala siya sa spotlight. "Sorry hindi ako tumatanggap ng manliligaw-" Natigil ako nang lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nilapit niya ang mukha sa tainga ko. "I know you only want his money that's

