Ayumi's pov Today is the day. Kinakabahan ako pero excited rin. Isang taon mahigit rin ako nagpakahirap sa training para rito. Kaninang hapon sinundo ako ni Master Blue para dalhin sa lugar na hindi ko alam. Nilagyan muna ako-kami pala ng piring bago pinasakay sa yatch kaya hindi ko alam kung nasa Pinas pa kami o hindi na. Narito kami sa malaking field kasama ko ang ilan na naka-piring rin. May ilang tao sa stage na mga naka-mask nakilala ko ang isa sa kanila na si Master Blue. Ibig sabihin lang na mataas ang pwesto niya. Nasabi sa akin ni Master Blue bago niya ako piringan kanina na mga malalakas na tao ang makakasabayan ko kaya kailangan kong mag-ingat. Mga nangangarap maging assassin ng organisasyon, ibig sabihin gaya ko nagdaan rin sila sa hirap. Nakakapagtaka lang dahil hindi a

