Wincy's pov Dalawang linggo ko ng di nakikita si Ayumi, hanggang sa labas lang kami ng room nito para mag-abot ng pagkain. Ako at si Ivory ay binawalan ni Master na magpakita muna kay Ayumi pansamantala dahil tuwing napapatingin sa amin si Ayumi agad itong umiiyak at muling hinahanap si Ella. Alam ko ang sakit na nadarama niya, ilang buwan rin akong hindi makatulog pagkatapokaming iligtas. Lagi kong naiisip si Ella nuon, pero nakapag-move on rin ako at inayos ko ang sarili ko bago pa ako mabaliw. Hindi ako pwedeng umiyak lang sa gilid dahil may pamilya akong umaasa sa akin, sila ang motivation ko. Ang kay Ayumi ngayon nag-uumpisa pa lang siya at idagdag pa na sinisisi nito ang sarili sa pagkawala ni Ella kaya sobrang sakit para rito lalo pa at ngayon lang ito makakapagluksa pagkatapos n

