Ayumi's pov I'm back. Hindi ko akalain na maliligtas pa ako, akala ko talaga duon na ako mamamatay. Handa na rin akong mamatay nuon, pero mukhang may ibang plano si God sa akin. "Okay ka lang, Anak?" Tanong ni Daddy Blue. Sa pagbalik ko napag-alaman ko rin na ama ko siya, hindi na ako nagtampo na wala siya sa tabi ko ng mahabang panahon. Tinanggap ko siya at hinayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanya. Nakita ko kung gaano siya kapagod kaka-alaga sa akin nang nasa hospital ako. "Masaya ako na nakabalik pa ako sa inyo. Thanks for saving me Dad." "Thanks for fighting, Ayumi. Binigyan mo pa ako ng pagkakataon na makasama ka at magpaka-ama sayo," saad nito at umakbay sa akin. "Welcome back, Princess." Narito kami ngayon sa airport, kakalapag lang ng eroplano. Kasama naming umuwi sa Pin

